AML - 32

81 2 0
                                    

[ Rozzaine ]

Mag isa siyang nakatanaw sa bintana mula sa ikapitong palapag ng hotel na tinutuluyan niya. Mula sa kinalalagyan niya, kitang kita niya ang nagagandahang mga ilaw mula sa mga stablishments at bahay na nakabukas sa mga oras na ito.

Malamig ang hanging pang gabi ngunit hindi niya alintana iyon dahil nasanay na siya sa ganitong klema sa ibang bansang kanilang tinirhan mula ng lisanin ng pamilya niya ang bansang ito.

Binalikan niya sa isip ang naging pag uusap nila ni Ron kahapon. Ang kanyang childhood friend na naging kasintahan ngunit iniwan niya noon  ng walang man lang paalam. Pero bago ang pag uusap nila kahapon, ginunita niya muna sa isip kung paano sila nagkakilala ni Ron.

Ganito iyon, sais anyos palang siya noon ng lumipat sila ng subdivision. Lungkot na lungkot siya noon dahil nalayo siya sa ilang kaibigan niya sa dating tirahan nila. Sa bago nilang tirahan ay kailangan nanaman mag adjust. Ang hirap nga dahil unang araw pa nga lang nila doon ramdam niya ng hindi siya magugustuhan ng mga kapwa bata dahil iniirapan siya ng mga ito at pinagtatawanan lalo na ng mga lalaki. Paano ba naman, bungi siya noon at ang iksi ng buhok na may mataas na bangs. Napapangitan nga din siya sa hitsura niya subalit may isang tao pala ang mag papalabas ng ganda niya sa darating na panahon.

Dahil sa bata siya, hilig niya ay maglaro kaya nagpaalam siya sa yaya niya na maglalaro siya sa playground ng subdivision.

Excited pa siya noon dahil sa pag aasam na baka sakaling makakatagpo din siya ng bata na magugustuhan siya at makikipaglaro sa kanya. Subalit mali pala siya dahil pagdating niya doon, agad siyang na bully ng mga kapwa bata. May isang batang matabang lalaki pa nga ang humablot sa paborito niya at pinakamamahal na sumbero. Inaagaw niya iyon subalit hindi niya makuha dahil matanggad ito.

"Akin na iyan please.. ibigay mo na ohh.." paki usap niya dito. Nagsimula na siyang umiyak noon..

"Abutin mo muna..ayy kawawa ka naman..ang pangit mo na nga ang iyakin mo pa.." sabi pa nito na binebelatan siya. Maging ang mga batang nandoon ay pinagtatawanan siya.

Nang mapagod sa pagtaas ng kamay ang matabang bata ay ipinasa iyon sa isa pang batang babae na mataray.

"Ayon oh..kunin mo!"sabi nito pagkapasa doon.

"Ang cheap at ang pangit naman ng sumbrerong ito."sabi ng batang babae na tila gusto nito iyong sirain.
Nasaktan siya sa sinabi nito dahil mahalaga ang bagay na iyon sa kanya dahil iyon ang huling regalong natanggap niya sa mama niya bago iyon kunin ng diyos.

"Ibalik mo na sa akin iyan. At huwag mong tangkaing sirain iyan dahil-" sabi niyang di alam ang kasunod dahil hindi niya naman kakayaning labanan ang mga ito.

"dahil ano?.. sa tingin mo mapipigilan mo kami sa liit mong iyan?"anito na pinagtawanan siya. "At bakit ba parang mahal na mahal mo ito, eh ang pangit naman. Kaya ang bagay dito ay sinisira." Nanlaki ang mga mata niya dahil akma na nito iyong pupunitin. Agad siyang tumakbo palapit dito para pigilan ito sa balak nito.

"Huwag!..akin na iyan!"

"Huwag ka ngang lumapit sa akin.!"sabi nito na itinulak siya, sanhi para tumilapon siya sa lupa. Hindi niya ininda ang sakit ng pagkakabagsak niya. Muli siyang tumayo para  pigilan ito.

"Paki usap huwag mong sirain iyan. Bigay yan ng mama ko.." muli niya paki usap na akma na namang aabutin ang sumbero.

"Aba matigas ka din ha.." inis na sabi ng babae na muli nanaman siyang tutulak subalit napigil iyon ng batang lalaking kadaring lang sa playground. Ng makita nitong may binubully na naman ang grupong ito ay tumakbo ito sa dereksyon nila para ipagtanggol ang binubully.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon