[ Maricon ]
Excited siyang nagmamaneho patungo sa kanyang TFF na si Merang. Matagal niya ng hiningi ang complete address ng kaibigan, dangan nga lang ay wala siyang free time para makapag bonding sila dahil sa kanyang naging kaliwa't kanang proyekto.
Ngayon ay libre ang araw niya kaya papunta nga siya sa bahay nito, dala ang mga pagkaing binili niya kani kanina lang. Mag cecelebrate sila dahil sa tagumpay ng kanilang isinagawang plano.
Ang layo naman, tama kaya ang tinutumbok kong daan?
Makalipas ang halos isang oras na pag mamaneho, napatigil siya isang bahay na umaangkop sa diskripsiyon na binigay ng TFF niya.
Napakunot noo siya ng may mapansin na isang lalaking na nasa sulok ng gate. Awtomatiko itong tumalikod sa bahay na iyon at tila may isang bagay ang itinago sa tagiliran nito.
'Hmm.. ang aga aga nakatambay!"
Bumaba na siya ng kotse at pumunta sa harap ng gate para mag doorbell. Napangiti siya dahil nakita niya ang numero ng bahay ng kaibigan.
Tama. Ito na nga iyon.
♪Ding dong.. ding dong..♪
Nag hintay siya ng tao sa loob na magbubukas sa kanya. Habang hinihintay ang magbubukas, ginala niya ang panigin sa paligid. Una sa kabuoang bahay nila Merang.
'Infairness huh' ang ganda pala ng bahay nila at ang galing ng pagkaka landscape.'
Matapos kilatisin iyon, napagawi naman ang tingin niya sa kinapupwesyuhan ng lalaki kanina.
'Ano ba naman tong si kuya, mag seselfie lang gagamitin pang background ang bahay nila Merang. Siguro magpapanggap yan sa mga friends sa FB.. Sasabihing bahay nila ito..hmmf naku.. ang dami daming ganyang tao. Mga mapanggap. Akala mo mansiyon ang bahay, yun pala puro sawali ang dinging at tiklad ang bubong.!"
'Con!" Napukaw ang atensiyon niya sa boses na tumawag sa kanya. Napangiti siya dahil si Merang iyon. Hindi ito naka nakatransform into Imaree.
'Ang sexy niya talaga kahit ang panget.hehe' lait niya sa isip dito. Naka short shorts kasi at naka fitted t-shirt si Merang.
"How are you TFF? Ikaw ha, sinurprise mo naman ako. Buti nalang at wala dito sina Mama at Emily..hali ka pasok ka." Masayang bati nito sa kanya.
"Wait lang Ree ha, kunin ko lang mga pagkain." Sabi niya dito saka tinungo ang kotse.
Nagningning naman ang mga mata ni Merang at agad naglaway pagkarinig ng salitang 'pagkain'.
Samantala, ang lalaki namang kanina pa nagmamatyag ay na shock pagkakita sa babaeng panget na lumabas galing sa loob ng bahay nila Imaree. Si dtktv. Sony. Namumukhaan nito ang babaeng iyon dahil iyon ang nakita nitong ng lumabas ng CR nung araw na hinihintay nito si Imaree.
Naguguluhan ito.
'Anong ginagawa ng panget na ito dito?...ang alam ko lima lang silang nakatira diyan ah?.
Saka nito nabatid na tama nga siguro ang hinala nito na ang panget na babaeng ito at si Imaree ay iisa. Lalo na at ang alam nito ay magkaibigan sina Maricon Ortega At Imaree Del Seira. Marahil may alam ang una sa tunay na kataohan ng huli.
Napangiti ito ng matamis at nagpatuloy sa lihim na pagmamatyag.
--
"Ya, hali kayo rito. Narito po si Maricon..papakilala ko kayo sa kanya." Tawag ni Merang sa yaya nito na kasalukuyang nag lilinis ng banyo."TFF, upo ka." Alok niya sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasíaTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....