"Miss April, pwede po ba kayong ma enterview kahit saglit?" anang isang reporter.
"Tatanggapin niyo na po ba ang offer ng manager ng star magic?. sasabak na din po ba kayo sa pag akting?" Segunda ng isa.
Nandito ngayon ang dalaga sa Airport. Kababa niya lang ng eroplano. Panay ang kislapan ng mga camera at ang samot saring katanungang binabato ng press sa kanya.
May anim na body guard kaagad na rumispunde para protektahan siya sa crowd. Sinabi ng isa dito na padala ang mga ito ng boyfriend niya.
Na dissapoint siya dahil ang akala niya susunduin siya ni Leonard.
Nasira tuloy ang araw niya kaya wala siya sa mood na magpa abala sa press.
"I'm sorry, im in hurry!" Tanggi niya na nagpatuloy sa paglalakad patungo sa sasakyang tinuro ng taohan ni Leonard.
"Maam saan po namin kayo ihahatid?" Tanong ng driver sa supermodel.
"Dalhin mo ako sa kumpanya ng boyfriend ko!" Mando nito.
"Okey po maam." Sagot ng driver.
Nagngingitngit talaga ang kalooban niya sa boyfriend niya.
'Bakit di niya ako nasundo? Hindi ba siya excited sa pag uwi ko?..Huwag ko lang malamang may kinahuhimalingan kang iba Leo, kung hindi sisiguraduhin kong magsisisi ang sinumang haliparot na babaeng iyon.' anito sa isip.
Ito ang isa sa ugali ng dalaga. Mapagduda at very possesive sa karelasyon.
Kahit mga munting bagay pinagdududahan nito. Kaya nauuwi iyon sa madalas na tampuhan ng dalawa. Pero sa bandang huli ang babae lang naman ang susuyo dahil talagang sobrang mahal nito ang boyfriend.
Fast forward
"Maam andito na po tayo." Sabi ng driver. Ang mga ibang guard naman ay agad bumababa para pagbuksan ng pinto ang modelo. Nakahanda din ang mga ito kung sakaling dumugin ng tao ang modelo.
Nandito na sila sa harap ng napakalaking building na pagmamayari ng mga Jimenez.
"Pwede ba tantanan niyo na ako, pati ba naman sa loob susundan niyo ako?" Galit na sita ni April sa mga gwardiya.
"pero maam kabilin bilinan po ni Sir na bantayan namin kayo. Kahit saan kayo magpunta."katuwiran ng namumunong gwardiya.
"Tonto, sa tingin mo ba mapapahamak ako sa loob ng kumpanya ng boyfriend ko?" Aniya. Takot kasi sa kanya ang mga empleyado ng kumpanyang iyon dahil kapag may isang magkamali sa kanya, gumagawa siya ng paraan para mapatalsik iyon.
Wala namang magawa ang mga gwardiya kung hindi hintayin ang girlfriend ng amo sa paglabas nito para maihatid na sa mansyion nito.
Pagkapasok ng building, Dumeritso kaagad ang dalaga sa elevator.
Pagbukas ng pinto, may ilang nakasakay dun. Tila nataranta ang mga iyon pagkakita sa kanya kaya binati siya ng mga ito at nagmamadaling lumabas ng elevator.
Takot ang mga ito sa kanya dahil nga sa ilang empeyado niyang nagawang patalsikin.
Nang huminto na sa floor na pinindot, sopistikada siyang naglakad patungo sa opisina ng boyfriend. Lahat ng madaraanan niya ay kiming ngumingiti, ang iba naman ay pansin iyang imiiwas ng tingin sa kanya.
Papasok na sana siya sa opisina ni Leonard ng may isang babaeng pumigil sa kanya.
"Teka maam, ano pong pangalan niyo? may appointment po ba kayo kay sir Leo?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasyTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....