AML - 21

94 2 1
                                    

" Hoy. matandang muchacha, huwag na huwag mong tatangkaing palabasin ang halimaw na yan ha?!" Utos ni Esmeralda na nasa bukana ng kusina. Nasa tabi nito si Emily.

Natigil naman si yaya sa paghuhugas ng mga plato habang si Merang ay abala sa pagpunas ng misa. Sobrang kalat kasi doon dahil kung kumain ang dalawang bruha, dinaig pa ang one year old. Sinadya marahil.

'' Bakit, saan po ang lakad niyo maam?" Usisa ni yaya.

"At anong karapatan mo para magtanong?" Taas kilay na tanong nito na tumaas din ang boses..

.." bweno, kung gusto niyo talagang malaman.." pagpatuloy nito na nag iba ang expression ng mukha. Tila ito nangingiti." Pupunta lang naman kami sa shooting ng anak ko dahil model siya ng bagong  commercial ng nestea ." Pagmamayabang nito." siguro, inggit na inggit ka kay Emily, ano halimaw?" tumawa ito ng nakakaloko na pinasaringan si Merang.

'Sus.. commercial lang yan.. akin movie..bwawhahaha' tumatawa sa isip si Merang.

" Wow.. talaga maam?..naku ang tindi naman ano, as in,..siya yung mismong modelo ng nestea?' Kunwari tuwang tuwa si yaya.

"Hindi!. Extra lang siya..pero at least may exposure diba?" proud pa nitong sabi."naniniwala naman ako na may magagandang offer na darating sa anak ko eh..sa ganda niyang yan?" Sabi pa nito.

"Ma, let's go..huwag na nga tayong mag aksaya ng oras sa mga freak na yan..baka hinihintay na ako ng make up artist!" Yamot na sabat ni Emily.

'Wow.. feeler! At anong tawag sa koloreting nasa mukha niyan, di pa ba make up yan? Sabi sa isip ni yaya.

"Sige po ingat kayo.. good luck po sa iyo maam Emily'' plastik na paalam ni yaya ng talikuran na sila ng mga ito.

Inikutan lang ng paningin ni Emily si yaya.

Nang marinig na nilang lumabas ang sinasakyan ng mag inang bruha, dali daling sumugod ng gate si Merang para silipin kung nakalayo na ang sasakyan.

Nang masiguro niyang malayo na iyon dali dali ulet siyang pumasok ng bahay.

"Yaya.. bilis!. Maghanda na tayo. malayo na sila." Pag inform niya sa katulong na katatapos lang magligpit ng pinagkainan.

"Ah sige..mauna ka ng magbihis...isasarado ko lang ang mga bintana dito at sa salas..' taranta din nitong sagot.

Nagkukumahog si Merang na umakyat ng hagdan na tila hinahabol ng aswang. Nagkadahulog hulog tuloy siya dahil nadudulas.

After 15 minutes

Bumaba na siya ng hagdan ng makapagbihis. Simpleng white shirt at maong pants lang ang sinuot niya.

"O ano anak, masyado bang simple ang ayos ko?" Tanong ni yaya ng mababaan niya sa may salas.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya dito. Basta ang alam niya hindi naman siya nasasagwaan, sa halip nga naseksehan pa siya sa suot ng yaya niya.

Naka pony tail ang buhok nito. May bahid ng light make up ang mukha nito at ang mga labi, ayon kulay itim pa din.

Nakasuot ito ng neon orange na sleevless na tinirnuhan ng maikling shorts na maong. Sa paa naman suot ang converse shoes..

'Astig ni yaya..nagdadalaga na.haha.'

"Ahh oo yaya..simple lang pero ang ganda niyo diyan. Saan niyo ba nabili iyan?" Puri at tanong niya dito.

Sinabi nitong binili daw nito ang mga iyon sa ukay ukay ng mamalengke ito minsan.

" Oh ano ya' tara na?" Yaya niya dito.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon