[ Jennifer ]
" Alam mo girl..masama ang kutob ko sa Imaree na iyan..tingin ko may gusto siya sa boyfriend mo..Iba kung makatingin eh, para bang personal silang magkakilala?" Wika kaagad ni Emily ng makapasok ito kasunod ni April.
Napatakbo siya sa likod ng mga nakahanger na damit bago makapasok ang dalawang bruha.
Ngayon ay may maliit na siwang siyang nasisilipan. Kitang kita niya ang pag uusap ng dalawa.
Halata sa mukha ni April ang matinding galit sa sinabing iyon ni Emily.
"Tama ka..maging ako din ay may napansin, malagkit ang mga tingin ni Leonard sa babaeng iyon.!" ani April.
"Walang duda girl, malamang inakit ng babaeng iyon ang boyfriend mo ..baka nga ng time na wala ka, siya ang madalas na kasama nito..or worst, ang ka sex!" Sabi ulet ni Emily.
Hindi naman makapapayag si April na ganun ang posibleng ginagawa ng boyfriend niya at ng babaeng iyon. Sa oras na makumperma niya iyon, baka mapatay niya ang malanding iyon.
.." Napaka landi talaga ng Imaree na yan, hindi pa nakuntento kay Rondell, kaya pati ang pagmamayari na ng iba nagagawa pa nitong angkinin. Tsk.. tsk.." dugtong pa ni Emily na napailing iling.
Inis na inis naman siya sa mga pasaring ng dalawa kay miss Imaree..ngani ngani niyang sugurin ang mga ito at pagbuhol buhulin ang mga dila pero hindi niya iyon magagawa dahil masisira ang plano nila at takot niya lang sa mga amazonang ito.
"Humanda talaga ang malanding yan pagkatapos ng event na ito..kung hindi lang nakakahiya at makaka apekto sa business ni Tessa baka kanina ko pa siya grinipohan." Sabi ni April.
Kinabahan naman siya sa sinabing iyon ni April. Kailangan niyang mabalaan si Imaree sa binabalak ng dalawang ito.
Maya maya bumukas ulet ang pinto at pumasok ang isang babae. Secretary yata ito ni maam Tessa.
"Miss April, pinapatawag po kayo ni Maam Tessa, kakausapin daw po kayo saglit at saka sabi po ni Rossetta, in 15 minutes, magsisimula na daw ang fashion show." Pag iinporma ng secretary. Si Rossetta ay ang choriographer nila.
"Sige, susunod kami." maikling sagot ni April na tumayo na at niyaya si Emily para magpasama.
Pagkalabas naman ng mga ito, sinamantala niya na iyon para hanapin ang gown na isusuut nung dalawang bruhang kaaalis lang. Swerte nga dahil paglabas niya doon, sa harap ng pinagtaguan, andun ang hinahanap niya.
Dinukot niya agad ang plastic na gwantes na nasa bag at ang garapong naglalaman ng isang uri ng uod.
kumuha siya ng dalawang piraso at dinurog niya gamit ang kamay na may suot na gwantes saka niya ipinahid sa loob ng gown..
'Ayan..para sa iyo yan Emily..'
Pagkatapos pahiran ang gown ni Emily, hinaklit niya naman ang kay April saka niya pinahid doon ang tatlong uod.
'Ayan naman sayo dahil napaka bitch mo..'
sabi niya pa sa isip.'Good luck mga bitches.. for sure ang saya ng palabas na ito mamaya...
Matapos niyang magawa ang misyon , tenext niya si Janiza para pag buksan siya ng pinto. Baka kasi pag bukas niya ng pinto may makahuli sa kanya at mabuko siya...
[ Imaree/Merang ]
Masaya silang nagkwentuhan ni Ron, nang mawala sa paligid nila ang mga bitches.
"Ron, di ba di ka naka attend nung rehearsal, alam mo na ba ang buong routine?" Tanong niya dito.
" oo, na brief na ako ni Rossetta..kanina pa kaya ako dumating dito, sinadya ko iyon para magpaturo ng instruction.." Sagot nito.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasiTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....