AML - 22

79 2 0
                                        

Dedicated to:
Loveil_jean
Keishatdelemos
Realynasuncion

--------------------------------------------------

"Anak, bilis!..tignan mo. iyan na siguro iyong sinasabing bagong commercial ng nestea kung saan extra si Emily." Tawag ni Yaya Iseng kay Merang na noo'y nasa bintana, nagtatanggal ng kurtina para labhan.

Nagmamadali naman siyang lumapit sa salas kung saan prenteng naka upo si Yaya. Relax mode ito ngayon.

Silang dalawa nanaman ang tao sa bahay nila.

Napatitig siya sa telebisyon..

"Nyek! yun na ba yun?" Ngiwing sambit ni yaya ng matapos ang commercial.

Natatawa sila dahil ang role lang naman pala dun ni Emily ay kunwari nasagi ng bidang babae at nahulog iyon sa poll.

"..Akala ko pa naman maganda ang magiging exposure niya doon" dugtong ni yaya na natawa na..nahawa tuloy siya.

"Ya, ilipat mo nga sa ibang channel, ang pangit ng show na iyan."request niya sa yaya niya. Akmang babalik na siya sa may bintana para ipagpatuloy ang ginagawa. Makikinig lang siya sa TV.

Nililipat nga ni Yaya ang TV gamit ang remote.

Marami itong danadaanang channel hanggang sa madaanan nito ang isang news channel. Rumehistro sa paningin niya ang isang babae na tila ine interview.

"Ya, wait paki back nga dun sa news TV." Sabi niya ki Yaya Iseng.

"Alin ba, heto?" Tanong nito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya dahil hindi siya maaaring mag kamali.. dumaan man ang maraming taon, hindi niya makakalimutan ang mukha nitong babaeng ito.

.." Anak, kilalala mo ba ang babaeng iyan?" Tanong ni yaya dahil seryoso siyang nakatingin sa TV.

"Ya, naaalala mo pa ba iyong kwenekwento ko sa iyo dati. Iyong isa sa nambubully sa akin nung high school?"

"Alin, Iyong Tessa?"

"Hindi ya..Si April Maine Marasigan!" Sagot niya dito.

"Ano?..s-siya yan?" Gulat na tanong nito.."Looks can be decieving nga naman..sa ganda niyang yan, bully pala yan?" Inis na sabi ni Yaya.

Hindi pa uso nun ang social media kaya ni minsan hindi iyon nakita ni yaya.

Pinanood nila ang interview sa international model na kasalukuhang inuulan ng mga tanong ng filipino reporters na nasa US.

"So, how does it feel that you're finally go back to the phillppines after a couple of year Ms. April?"tanong ng isang reporter.

Next week na pala ang lipad nito pabalik ng pilipinas.

"Of course, i'm so excited dahil doon ko na muling ipagpapatuloy ang career ko bilang isang exclusive model sa clothing line ng bestfriend ko." Sagot nito. Sobrang glamorosa ito sa ayos at kasuotan. Para ngang anghel dahil sa amo ng mukha pero di alam ng karamihan. Isa itong anghel na may sungay.

"If i'm not mistaken Miss April, ang nabanggit mong best friend ay si Mrs. Terrese Samantha Feidengton?"segundang tanong ng isa pang reporter. Matunog na din ang pangalan ni Tessa dahil napakalaki nga ng bagong itinayong company nito.

Ngumiti ito bago sumagot.

.."Yes, no other than her. She is so especial to me because we are like sisters."

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon