AML - 27

87 2 0
                                    

"Wow..ang ganda niya ano?"

"Oo nga ..ang sexy pa. Kasali din siguro siya sa mga models na napili?."

" Di ba parang si Imaree Del Seira iyan?"

Dinig niyang pag uusap usap ng mga empleyado ng makapasok siya sa kumpanyang iyon.

Bawat mapapatingin sa kanya, binabati at nginingitian niya. Namumula naman ang mga lalaki pag ginawa niya iyon. Tila nahihiya ang mga iyon.

" Hala oo nga ano?..wow napakaganda niya pala talaga in person." Sabi na isang empleyado sa mga kausap nito.

"Hi sa inyo?" Bati niya sa mga iyon ng mapadaan siya sa pwesto ng mga iyon.

"O my gosh..binati niya tayo..hindi siya snob." Tuwang sabi ng isa. Lahat ng mga iyon binalik ang pagbati sa kanya.

"Oo nga hindi katulad ni April, yung supermodel? naku very intemidating yun..parang nakakatakot batiin." Rinig niyang sabi pa ng isa bago siya tuluyang makalayo sa grupong iyon.

Napangiti siya sa mga narinig. Habang nag lalakad siya papunta sa elevator, may natanggap siyang text galing sa TFF niyang si Maricon. Sinabi nitong mahuhuli ito ng dating dahil kagigising lang daw. Napuyat daw kasi mag aalas tres na ng madaling araw natapos ang shooting.

Pagkarating niya sa tapat ng elevator, pinindot niya ang botton niyon at bumukas iyon.

Madami ang laman niyon pero hindi niya alintanang makipagsisikan doon.
Ngumiti din siya sa mga napapatingin sa kanya.

"Hi miss, di ba kayo po si Imaree?" Kiming bati sa kanya ng isang babaeng napakaitim pero maganda. Half siguro ang lahi nito.

"Ah oo, bakit?" Nakangiti niyang tanong.

"Idol ko po kasi kayo."

"Ganun ba?. Thank you ha?" Sagot niya.

Nakuha ang atensiyon ng mga nakasakay doon at binati din siya. Hindi makapaniwala ang mga ito na Siya nga si Imaree na naging instant sikat dahil sa movie.

"Pa picture naman po Miss Imaree..please?" request ng ilang empleyado.

"Sure.." pagpayag niya. Nagsimula nga itong kumuha ng selfie at groupie. Tuwang tuwa ang mga iyon bago lumabas sa floor na pagbababaan. Nagpasalamat pa ang mga iyon bago tuyang sumara ulet ang elevator.

"Hi, saang floor ka?" Tanong niya sa babaeng maitim na unang bumati sa kanya.

hindi ito nakisali sa picture taking dahil nahihiya siguro.

" Ah dun ako sa fifth floor.. dun sa pag rerehearsan ng modelling.." sagot nito.

"Ah pareho pala tayo. doon din ako."sabi niya ditong nakangiti pa rin.

"Sabi ko na nga ba eh dun ka din. Pero mukhang late na tayo miss Imaree?"

"Okey lang iyon, rehearsal palang naman buti kong sa mismong event na." Sabi niya.

"Sabagay..siya nga pala ako nga pala si Janiza Orteza." Pakilala nitong nilahad pa ang kamay

"Imaree Del Siera." Ngiting pakilala niya din. "Tara na.." yaya niya ng bumukas na ang elevator.

Magkasama silang naglakad palabas at pinagtanong kung saang room ginaganap ang rehearsal.

"Room 03 po maam.." magalang na sagot ng isang empleyado.

"Thank you miss." Sagot niya.

Pagpasok sa Room na iyon, sumalubong agad sa kanila ang musikang 'fashionista' na pinapatugtug.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon