AML - 19

92 6 0
                                    

"What?..you mean siya ang tinutukoy mo na isa sa nagpahirap sa iyo nung high school days mo? Manghang tanong ni Maricon sa kanya."Akala ko kasi kapangalan lang at di mo naman nabanggit yung apelyido."

nandito sila ngayon sa CR. Nang marinig niya dito ang pangalan ni April, niyaya niya ito kunwari para mag retouch. Nagpa alam naman sila sa boys bago sila tumungo dito.

"Oo siya nga yun. At may nabubuo na akong plano Con.." sabi niya dito. Alam na nito na may balak siyang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya.

Suportado naman siya ng bestfriend dahil hindi siya nito masisisi kung ganun ang hangarin niya. Sa katunayan nangako itong tutulongan siya sa mga plano niya.

"Ano ang binabalak mo Imaree?'' marahang tanong nito.

"Simple lang, aagawin ko sa babaeng iyon at paiibigin ang lalaking pinakamamahal niya." Mapait niyang sagot."Sisiguraduhin kong bago siya bumalik dito, kami na ng boyfriend niya!" Dugtong pa niya.

Ibinalita pala sa TV ang nalalapit na come back ng international model na Si April Marasigan. Two years na itong nagmomodelo sa US. Iniwan ang pinakakamahal na lalaki para matupad ang pangarap na mapalinya sa napakagagaling na modelo ng mundo.

Ngayon ay isa ito sa malaking modelo na kinuha ng bagong clothing line company sa pilipinas na pagmamay ari daw ng filipina na nakapangasawa ng Canadian. Close friend pala ang babaeng may ari ng company at ang modelong si April. Lahat ng impormasyong ito ay ikwenento ng TFF niya.. Wala naman kasi siyang time na manood ng TV.

"I like your plan TFF.. Ang totoo niyan, minsan na din akong natarayan ng babaeng yun. Nung nagsisimula palang ako.."sabi nitong nangingiti sa binabalak niya." Napaka antipatika nun.." dugtong pa nito.

.." ayy alam ko na!" muli nanaman itong nagsalita dahil may naalala.."Bakit kaya hindi ka mag audition na mapasama sa mga kukuning modelo ng company nila?.. naku napakalaking event Nun Imaree.. mag la launch kasi sila ng mga produkto nila..sa mismong official na pagbubukas ng clothing line nila." paghihumok nito sa kanya. Sinabi din nito na nakatanggap na ito ng offer mula sa company na iyon at tinanggap na nito iyon."Saka para mapagaralan mo ang mga kilos ng taong paghihigantihan mo" dugtong pa nito.

Nabuhay ang interes niya sa sinabi ng kaibigan

'Well..lets meet again bitch!' Aniya.

Pumayag siya sa suggestion ng kaibigan niya at nagako ito na sasamahan siya nito sa mismong company na iyon para sa audition..Mas maganda din kung matanggap siya dahil sa perang kikitain niya. Malaki din iyon.. makakatulong ng sobra sa mga plano nila ni yaya.

"Ehh papaano naman si Rondell..tiyak mabibigo iyon at masasaktan sa plano mong pakikipaglapit sa kaibigan niya.

Naisip niya ang bagay na iyon..

Papaano nga ba, ang umuusbong na damdamin niya dito at tingin niya ganun din ito sa kanya.

Handa ba siyang isakripisyo ang damdamin nilang iyon para sa gagawin niyang maghihiganti?

Tinimbang niya sa isip at puso ang mga bagay na iyon, at mas nanaig sa kanya ang pag hihiganti..siguro may pagkakataon pa naman para sa kanila ni Rondell..

"Hindi pa naman kami nagsisimula ni Rondell..mas maigi nga iyon para hindi gaanong magkasakitan.."malungkot niyang sagot dio.

"Pero papaano ang nararamdaman niyo?

"Kaya pang supilin iyon TFF, saka kung talagang nakatadhanang maging kami, panahon na mismo ang gagawa ng paraan para sa amin." Sabi niyang niyakap siya ng kaibigan dahil ramdam nito naabigat sa kanyang loob ang gagawin.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon