AML - 6. Part 1

153 5 2
                                    

Dedicated to  Ms. Margie Batis.
Always take care Cousin. Thanks sa Pagbabasa ng Story ko. O(∩_∩)O

----------------------------------------------------

Two years later

Ngayong araw ang unang pasukan sa paaralang pinag enrollan ng dalagitang si Merang. Sakay siya ng trycicle.

Mas pinili niyang mag cummute dahil gusto niyang maging simple lang siya sa paningin ng lahat.

Wala siyang paki alam kung lahat ng edtudyante doon ay de kotse at hatid sundo ng driver. Hindi siya makiki pag payabangan sa mga ito kahit may ipagyayabang naman siya.

In terms of materials.

Nakahanda na siyang makisalamuha sa mga kaedaran niya. Gusto niya na kasing  maranasan ang maging normal na estudyante.

Laking pasasalamat niya ng payagan na siya ng kanyang ama na mag aral sa labas ng bahay.

Iyon ay dahil sa pangungumbinse ng kanyang Yaya Iseng.

Matapos ang mahabang pakikiusap walang nagawa ang ama kahit sobrang tutol ng  kanyang ina. Nabatid kasi ng ama niya na sobrang pursigido siya at nakahanda sa mga posibilidad na mangyari sa pagpasok niya sa skwelahan.

Tama na sa kanya ang 6 years home study. Gusto niyang i explore at magawa ang mga bagay na ginagawa ng mga kaedaran niya kahit alam niyang  mahirap maki bagay sa kanyang mundong ginagalawan.

Kakayanin niya ito.

Para sa mga pangarap niya sa sarili at sa pinakamamahal na yaya.

Matapos bumaba at magbayad sa tricycle driver, Tumayo muna siya ng matagal sa harap ng malaking gate ng School.

Tumingin sa mga malaking letrang naka engrave sa itaas ng gate.

GYPSY ACADEMY   ◀

Isa ang paaralang ito sa mga pinakamalalaki at sikat na paaralan sa buong Pilipinas.

Lahat ng estudyante dito ay may kaya at halos lahat sila ay may mga hitsura, mga gwapo't maganda. Ang ilan nga dito ay lumalabas sa TV bilang Indorsers ng mga produkto.

In short...

Mga Modelo

Eh Siya?

Siya yata ang magsisilbing dumi at panggulo sa magandang paaralang ito.

Hmff bahala na.. 'aniya sa isipan.

Pumasok na siya ng gate.

Binati ang guard ng i check ang ID niya. Gawa na kasi ang ID nila matapos ng enrollment last month.

Napangiwi naman ang guard ni hindi man lang nagabalang tigunin ang bati niya.

Kung Kaninang nasa labas pa siya ng gate at nakatingala sa taas niyon ay pinagtitinginan na siya at pinagtatawanan dahil para siyang tanga ngayong nasa loob na siya ay mas lalo namang bulungan at hagikhikan ang naririnig niya.

Hindi niya na lang iyon pinagtuunan ng pansin.

Hinanap niya sa napakalawak  na campus ang kinalalagyan ng bullitin board para alamin kung saang section siya kabilang.

Lakad..

Lakad..

Hanggang sa..

Napansin niya ang mga nagkukumpulang estudyante sa isang banda.

Animo'y may binabasa ito sa naka paskil.

Iyon na nga marahil ang bullitin board.

Lumapit siya doon.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon