"Bye, anak. mag ingat ka ha?." Bilin ni Yaya Iseng sa alaga.
Nandito sila ngayon sa labas ng gate. hinatid ni yaya si Merang. Ngayong araw na ang date ni Merang at Leonard sa Batanggas. Mag aalas sinco na ng umagang iyon at mayamaya magigising na ang mga kasama nila sa bahay.
"Opo ya, ikaw na po ang bahala kung sakaling hanapin nila ako." Napag usapan na nila iyon na kung sakali ngang hanapin siya, sasabihin nalang ni yaya na siya na ang nag presentang mamalengke. Timing nga na araw ngayon ng pamamalengke.
Kani kanina lang nag text na sa kanya ang binata. On the way na daw ito. Kaya ginamit niya na ang Lipstick. Sayang nga dahil wala nanamang chance na magka usap sila ng prinsesa Curliyah.
Kamusta na kaya ito at ang kaharian nito?
Nilakad niya na muli ang ilang metrong layong bahay ni Aleng Kidang dahil iyon ang alam ni Leonard na address niya.
Pagkarating niya dun, mga limang minuto din ang lumipas bago dumating ang binata. Bago ang sasakyan nito.
well, baka nag papa impress?
"Hi gorgeous?.." bati nito pagkababa niya.
"Hi handsome?" ganti niya dito na bumeso pa siya. Inilapit niya ang mukha niya sa pisnge nito.
'Sweet nga dapat diba?'.
Napangiti ng matamis ang binata. Isa nanaman ito sa ginawa ng dalaga na di nito inexpect.
"Shall we?" tanong nito.
" Okey." Sagot niya dito. pumasok siya sa loob matapos nitong buksan ang pinto ng kotse. Mahigpit ang pagkakahapit niya sa dala niyang bag na tila doon siya kumukuha ng lakas. Nasa loob nun ang mga gamit na kakailanganin niya.
"So kumusta ang gising mo Imaree?" Had you eat breakfast?" Tanong nito.
"No. Nagkakape lang ako kapag maaga pang nagigigising."
"Pareho pala tayo..well don't worry pagdating natin doon may nakahanda ng mga pagkain ang chef ng resort namin. She's a good cook kaya malamang magugustuhan mo ang mga iluluto niya. Ipapakilala din kita sa manager ng resort namin." Sabi nito sa kanya. Ikwenento nitong hindi daw muna tatanggap ng costumer ang resort nito para masolo nila ngayong araw. Ang ilang staff daw nito ay pinag day off muna. mga Limang taohan lang daw ang mararatnan nila doon.
Panay ang tanong nito sa kanya ng kung ano ano. Sinasagot niya naman ito gamit ang sweet niyang boses. Puro kasinungalingan lang naman ang sinasabi niya dito.
"Ano nga pala iyong surprise na sinasabi mo, pwede ko na bang malaman?" Tanong nitong nalangiti.
"Oh. Not yet. Pagdating na natin dun. Baka matuwa ka hindi mo makontrol ang pagmamaneho eh mabangga pa tayo." biro niya dito.
"So talagang ikatutuwa ko nga?"
"Palagay ko." Sagot niya na humikab.
"You can take a nap Imaree, tutal malayo pa naman tayo." Sabi nito ng mapansin siya.
Pagkarinig niya ng word ng 'malayo', kinabahan nanamanan siya.
Kailangan itext niya si Maricon para just in case na magka emergency doon, matutulungan siya ng kaibigan.
Hiningi niya ang kumpletong address at pangalan ng resort sa katabi niya.
Hindi naman ito nag atubiling ibigay iyon.
Nagtext siya ng palihim, yung hindi masyadong mapapansin na nag ta-type siya.
' TFF, ito ang address at pangalan ng resort na pupuntahan namin ni Leonard." nilagay niya iyon sa text." On the way na kami dun TFF. good luck sa akin. please pray for me.' Aniya sa text at isesend niya na iyon.

BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasyTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....