" paano ba yan anak, mauna na ako sa iyo ha, basta mag iingat ka doon. Kung hindi lang ito kailangan ng papa mo, magsasabay nalang sana tayo." paalam sa kanya ni yaya. Ang tinutukoy nito ay ang folder na naiwan ng papa niya kanina pagka alis nito patungong trabaho. Ngayong araw din ang punta niya sa Teasian Feidington comp. Para sa rehearsal nila.
"Okey po Yaya..basta iyong susi po ng bahay, lalagay ko lang sa may paso. Ingat po kayo." Paalam niya dito.
Maaga pa naman ngayon at siguro hindi naman gaanong matagal ang pag rehears nila kaya nagpasya siyang kamustahin ang prinsesa. Nakakahiya na kasi. Palagi nalang siyang gumagamit ng spell sa tuwing gagamit siya ng lipstick kaya tuloy hindi na sila magkausap ng prinsesa.
Nang masigurong wala na si Yaya,
Ginamit niya na ang lipstick. Gaya ng dati, nakaramdam ulet siya ng kakaiba sa katawan dahil epekto iyon ng pagbabagong anyo niya.
"Hello Merang..long time no see..mabuti at hindi ka gumamit ng spell. May gusto akong sabihin sa iyo" bati nito. Napansin niyang medyo malungkot ang mukha nito"..may mga pagbabagong kasing mangyayari.."dugtong nito.
"Hi Prinsesa Curliyah. Patawad po kung ngayon lang ako nakipag usap sa inyo." Hinging paumanhin niya na naguilty din.
"No..don't be sorry Merang. ok lang iyon.. Katunayan mas mabuti nga iyon para hindi tayo matunton ng mga taga dark matte land. dahil masyado na silang nakaka perwisyo. Madami ng nadadamay na mga mortal dahil sa mali nilang akusasyon. Hindi lang iyon. Ang mas malala pa ay marami na silang dinudukot na mga taga shimmeriah. Bukod pa dun, binigyan nila ng sakit ang aking inang si Reyna Eyelinera. " Paliwanag nito na napakalungkot ang mukha.
"Bakit..ano pong nangyari?..paanong maraming mortal na ang nadadamay. Ano na pong mangyayari sa kaharian niyo ngayon..?" pag aalala niyang tanong.
"Hindi ko nga alam Merang. basta isa lang ang alam kong paraan para matigil na ang lahat ng kaguluhang ito. Ang matagpuan na sa lalong madaling panahon ang anak nila Brushkal at Shaddah." Sagot nito." Mabuti at nagkaroon tayo ng pagkakataong makapag usap Merang dahil kukunin ko na ang sandaling ito para magpaalam na sa iyo." Sabi ulit nito na lumuha na..kulay silver ang luha nito. Maganda sanang pagmasdan ang mga luha nito dahil sa kinang, subalit kung mapapatingin ka sa mata ng prinsesa, naroon ang matinding kalungkutan nito.
"Po?.ano pong ibig ninyong sabihin?" Curious niyang tanong.
'Paano na ako?'
" Doon na ako maglalagi sa kaharian namin Merang..aalagaan ko ang aking ina at tutulungan ko ang kaharian na mapigilan ang patuloy na pamemerwisyo ng mga taga kabila.."sagot nito. Napansin nito ang pag aalala niya kaya muling nagsalita ito para sabihin pa ang ibang hatid na balita."Huwag kang mag aalala Merang dahil may itinalaga ako na magiging bagong gabay mo." Sabi nito na sumilay ang munting ngiti.
"Talaga po?..sino po siya?...kailan ko po siya makikita?" Tanong niya.
"Ngayon mo na siya makikilala" sabi nito na ikinumpas ang wand na hugis labi. Nag chant pa ito ng wikang hindi niya maintindihan.
Iginalaw nito ng makailang beses sa ere ang wand, hanggang sa may maliwanag na lagusan ang unti unting lumitaw..
Maya maya pa ay may lumabas na isang batang babae?..
ngunit hindi pala ito na iisa dahil nakahawak sa kamay nito ang isa pang batang lalaki?..
" Hello Prinsesa Curliyah.." bati ng batang babae na tila nahihiya." Bakit ka pa kasi humawak hawak sa akin..tingnan mo tuloy napasama ka.." sita nitong naiinis sa batang lalaki.

BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasyTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....