AML - 8

135 6 1
                                    

Dedicated to Antonettepaz14 and LiezaRose. Thanks po sa pag follow. :)

-----------------------------------------

Pagkapasok ni Merang ng mall, agad siyang nagtungo sa counter ng bilihan ng ticket para sa sine.

Hindi pa naman bukas ang cinema, pero mga 30 minutes nalang magpapasok na sila, kaya pumipila na nga siya ngayon sa counter.

"Hi maam, ano pong movie?" Bati sa kanya ng cashier na parang nalukot ang mukha.

'Natatae siguro?'

" Ahh.. iyong 'Fated To Love You'". Walang reaksiyon niyang sagot kahit ang totoo super excited na siya dahil mapapanood niya nanaman ang hinahangaang aktor na bida nga sa pelikulang ito. Saka..

Asa naman ito na ngingitian niya hmp!

" I assume na mag isa lang kayo maam. Tama po ba?'' Antipatika nitong tanong na may plastik na ngiti." 190 lang po." Pagpatuloy nito.

Balak niya sanang sagot sagutin ito, pero baka makalimutan niyang mabait pala ang role niya dito.hehe

Tahimik nalang siyang umalis pagkabayad niya doon.

Matagal pa bago magsimula ang movie.

Bibili muna siya ng maiinom. Natutuyuan siya ng lalamunan sa lihim na pagka kunsume sa mga mapang aping nilalang dito sa mall.

" Isa nga pong large size ng Mr.Zagu" order niya agad sa tindera pagkapunta niya sa stall na iyon. Hindi niya alintana ang isang grupo ng mga kolehiyala.

" Ayy.. ano ba yan?" tsk. Ang panget!' Anang isa ng makita siya.

"Eiiww.. kadiri to death." Segunda naman 'isang naka kulot ang buhok.

" my god.. may nag eexist palang taong ganyan.. eii tao nga ba yan?' Sabat naman ng isa na super ikli ng palda.

" Ate, pa kansila po ng order. I lost my apettite already" sabi naman ng panghuli.

Nagsigayahan naman iyong iba kaya lahat hindi na bumili. Lumipat ito sa my malapit na stall. Mag a ice cream na lamang daw.

Hmp. Paki niya sa mga ito. Bago pa ba yun?

Padabog namang iniabot ng tindera ang order niya. Ang sama din ng tingin nito sa kanya.

Paano ba naman, benta na, naging hangin pa..

Haha. Again, wala siyang paki.

Hindi siya ang nawalan. Nalait lang siya.

NAPATAGAL yata siya pag eenjoy sa pagsipsip at pagkain ng Mr.Zagu dahil pag pasok niya sa cinema 2., halos puno na ang mga upuan.

Puno parin kahit patapos na ang showing ng pelikula?

Super sikat at mahal talaga ng madla ang ang idol niya.

" Kuya.. may naka upo na ba diyan.?" Tanong niya sa lalaking 'no space for new pimple' dahil talagang tadtad ng tagiyawat ang mukha nito eh.

Oo kita niya iyon kahit dim ang lights.

" Ahh oo.. naka upo diyan ang gf ko, nag cr lang." Mabilisan naman nitong sagot matapos makita ang pagmumukha niya.

Oo kita din nito ang mukha niya kahit dim nga ang lights.'

'wow gf?ay magkamali?' aniya sa isip.

O bakit, pag pangit ba bawal nang manlait ng kapwa pangit?

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon