AML - 15

115 5 1
                                    

* MANILA SANITARIUM *

Nasa tapat ng ng Hospital ang kabababa lang sa takxing si Merang.

Ito iyong hospital na pag shoshootingan nila.

Naka usap niya muli si direk kani kanina lang at diniscuss nito ang ibang mga detalye patungkol sa taping.

Kukunan daw pala siya ng solo frame sa loob ng chapel.

Ang eksena kasi ay mag sisisi na siya sa mga nagawa niyang kasalan. At ipagdarasal niya ang kaligtasan ni Sophia at kapatawaran ni Zack.

'' hello Imaree.."bati agad ni direk pagkakita sa kanya.bumeso pa ito.

"Haayy..your so beautiful talaga Imaree..just like me." Pakwelang sabi ni Dyoko.

Napansin niya din ang biglang pagtayo ni Rondell at ayon na naman ang mga ngiti nito habang nakatingin sa kanya.

"..at saang banda naman yang 'beautiful' na sinasabi mo Dyokning?'bakit di ko makita sayo?' pambabara naman ni Tippy sa kaibigang bading.

Normal naman pala sa dalawang iyon ang mambarahan pero hindi naman sila nagkakasamaan ng loob.

Hindi niya na pinansin ang pagpapalitan nito ng mga punch lines dahil nasa binata ang atensiyon niya.

"Hi..how are you Imaree?' bati ng binata sa kanya.."kumain ka na ba bago pumunta dito?' concern na tanong nito dahil mag seseven thirty na din ng gabi.

Tinukso naman siya ng dalawang bading maging si direk nga ay nakikisali habang inuutusan nito ang staff na iset up na agad ang mga kagamitan sa spot na kukunan ng schene.

"Ahh oo.. ikaw?" sagot niya at tinanong niya din ito. Wala kasi siyang masabi dahil nahihiya siya dito lalo na ng maalala niya nung time na nagpakilala siya at 'i'm yours' yung nasabi niya..buti nalang sinalo siya ni Dyokno. Sinabi nitong palabiro lang siya. Tila na amuse lang noon si Rondell sa reaksiyon niya.

Bago pa makapag salita si Rondell, inabot na ni Direk ang script na iaact niya.

Madali lang naman niyang namemorize iyon kaya pinaalam niya na sa direktor na ready na siya.

Nang mga oras naman na iyon, nasa isang room si Maricon at iseneset ng ibang staff ang dapat na kalagayan ng dalaga.

Kunyari kasi wala pa itong malay.




Gaya ng unang pag acting niya, nagawa na naman niya iyon ng isang take lang.

Napapalakpak pa nga ang direktor at ang dalawamg bading dahil sa tindi ng emosyon na pinakita niya..natural at hindi pilit ang pag iyak niya.

Si Rondell naman ay lalong napabilib ng dalaga. Nakakaramdam na siya dito ng kakaiba. Humanganga na yata siya sa magandang dalagang ito.

" napaka galing mo talaga Imaree..naku nakikinita ko ng magiging matunog ang pangalan mo pag naipalabas na ang pelikulang ito..."puri sa kanya ng direktor."Kaya ihanda mo na ang sarili mo dahil tiyak maraming opurtunidad ang darating sa iyo..una na diyan ay ang mga guesting sa ibat ibang program.. At pag uusapan ka lalo na sa social media..naku excited ako para sa iyo. at heto pa, ngayon palang ipinapangako kong makakatrabaho mo ulit ako sa bagong project na darating." Tuwang pag iinform sa kanya ng direktor.

Hindi niya naman pinakita na wala siyang balak na pasukin ng tuluyan ang pag aartista..

Masyadong kumplekado..

Buti sana kung dumating ang panahon na manatili na siyang maganda.

ngumingiti nalang siya sa direktor kaysa pag usapan ang mga bagay na iyon.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon