Dedicated to zsazsalaz :)
----------------------------------------------------
"Pasensiya na talaga Rondell kung pinag hintay at pinagalala ko kayo." Hinging paumanhin ni Merang sa binata na katabi niya ngayon sa sasakyan nito. Alas Syete na ng gabi ngayon.
Nauna na ng nagsiuwian ang mga staff at co-stars nila.
Samantalang si Maricon ay nasa unahan nila. Sakay din ito ng kotse na minamaneho ng driver nito.
"Wala na iyon sa sakin Imaree..pero huwag mo na sanang uulitin iyon ha..para akong pinapatay sa pag aalala..akala ko kasi napahamak ka na. buti nalang may nakakita pala saiyo. yung Mayang ba yun?'' sabi nitong pinisil pa ang kamay niya.
'Please wag kang ganyan Rondell..baka mahulog ako ng tuluyan..alam ko na ang kahahantungan ng lahat ng ito .. masasaktan lang tayo pareho..'malungkot niyang pag aalala.
"Sayang di ko man lang siya na meet, ano ba hitsura niya?' pagtetest niya dito.
"Hmm..tao naman" maikling sagot nito.
'Agoy..'
.." basta susunduin ulet kita sa inyo para sa premiere ng movie natin ha?.. gusto ko sabay nating panoorin iyon.." nakangiting paalala nanaman nito.
Hindi niya naman alam kung mangangako ba siyang makakasama siya dahil mahirap ang sitwasyon niya sa bahay..Lalo na ngayon tiyak na galit na galit na ang mama at kapatid niya dahil wala pa siya. Sa papa niya walang problema doon dahil magpaliwanag lang siya, ayos na.
"Sige try ko Ron," alanganin niyang sagot.
"Haisst, huwag mong i try..please gawin mo Imaree.." pakiusap nito..."siya nga pala, this weekend, e invite kita sa bar na paborito namin pagtambayan ng best bud ko..papakilala kita doon..mag relax naman tayo.." aya nanaman nito..
'Bar, ano namang gagawin ko dun? i don't drink.. i don't dance..ano nganga?
"Hindi ako sure Ron, baka hindi ako payagan ng mama ko. Saka hindi ako mahilig sa mga ganung lugar." sagot niya dito.
"Nasubukan mo na ba minsan?''tanong nito.
"Hindi."
"That's it..try to explore Imaree..masaya ang buhay..come with me, promise mag eenjoy ka. saka i invite naman natin si maricon." paliwanag nito at pang hihimok sa kanya.
Napaisip naman siya.
'Bakit kaya hindi?..
eh yun kung makakalabas ako...?'
"Okey, sige na nga" sagot niya na ikinatuwa nito ng labis.
..."Okey lang ba kung matulog ulet ako Ron?''tanong niya dito. Gaya nung una gusto niya lang umiwas sa pag uusap nila dahil patong patong na ang kasinungalinagn niya dito.
Nag guguilty na talaga siya.
"No problem..sige tutal isang oras pa naman ang byahe natin." sabi nito na tinulungan ulet siya para maging kumpurtable ang 'pagtulog' niya.
"Sorry ulet Ron ha..ginabi na tulo----''
"Shhhh..it's okey my angel."pigil nito sa kanya na hinarang pa iyong hintuturo.."just take a nap"sabi pa nito ng malambing.
'Ayy kalurke..wag kang ganyan..kagatin kita eh. Gutom pa naman ako.hehe
Sa pagkakapikit niyang iyon, binalikan niya sa isip ang mga nangyari bago sila nandito..
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
خيال (فانتازيا)Tuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....