AML - 30. Part 1

99 1 0
                                    

[ Rondell ]

Excited siya sa araw na ito dahil mag de date sila ni Imaree. Katunayan mula ng etext siya nito kagabi na pumapayag na itong makikipagdate sa kanya ay di na nawala ang saya at ngiti niya sa mga labi. Matagal nga siyang nakatulog kagabi at pati sa panaginip ay ang dalaga parin ang nanduon.

Masaya siya nang muli silang magkita sa big event ni Tessa kaya hindi siya pumayag na hindi ito maihatid sa bahay nito. Syempre sa bahay ni Aleng Kidang niya pa din ito inihatid para huwag mahalatang may alam na siya. Ang palaisipan sa kanya ay kung sino ang may kagagawan ng pananabotahe sa event na iyon. Nahabag siya sa dalaga dahil napahiya ito ng mapunit ang suot nitong gown Buti na nga lang at walang higad ang loob ng gown nito. Nang lumabas ito ng backstage ay agad niyang hinubad ang amerikana niya at itinakip sa ibabang parte ng katawan nito na halos hubad na. Hindi siya makakapag na pagpyestahan ng mga mata ng mga lalaking modelo na nanduon ang dalaga. Pinapasok niya agad ito sa dressing room para makapagbihis.

Matapos masigurong wala ng makakalilala sa kanya, lumabas na siya ng kwarto para pumunta sa garahe at tuluyan ng puntahan ang dalaga. Hindin pa oras gaya ng usapan nilang pagsundo sa dalaga subalit dahil susurpresahin niya ito, inagahan niya ang paghahanda para maunahan niya ito..

NANG makasakay siya sa kotse niya, binuhay niya nag sterio para maghanap ng magandang musika.

Iniscan niya iyon at nahinto sa isang kantang may pamagat na Love me like you do..

Masayang pinakinggan niya iyon habang nasa byahe.

You're the light, you're the night
You're the color of my blood
You're the cure, your the pain
You're the only thing i wanna touch
Never knew that it could me so much,
so much..

After 30 minutes

NASA tapat na siya ng tunay na bahay ni Imaree. Hininaan niya ang ang volume ng sterio niya para tawagan ito.

" Hello Ron,?" Agad nitong sambit.

" Ree, matagal ka pa ba?. Andito na kasi ako sa labas ng gate niyo." Sabi niya dito. Malamang nagulat ang dalaga dahil hindi kaagad ito nakapagsalita.

Nang makabawi ito, sinabi nitong palabas na daw ito ng bahay saka pinatay na ang telepono.

Mayamaya nga may babaeng blonde ang buhok ang lumabas ng bahay.

'Sino kaya siya, baka kapatid niya?. Tanong niya sa isip bagamat parang nakaramdam siya ng pagdududa na si Imaree na iyon.

Nang buksan nito ang gate, saka naman siya lumabas ng saskyan para tanungin ito.

Pagkakita nito sa kanya ay tila natigilan ito, waring kinikilala kung sino siya. habang siya naman ay unti unting napangiti dahil nakilala niya na ito. 

"Imaree..?" Excited na tawag niya dito.

Napaawang ang bibig nito at magsasalita na sana ng biglang may isang lalaki ang agad na nagsalita.

"Excuse me miss, pwedeng magtanong?" Napatingin sila ng dalaga dito. Nakilala niya kung sino ito. Subalit nang mapatingin siya sa mukha ng dalaga, tila nabigla ito pagkakita sa bagong dating na lalaki.

[ Toto ]

Isang masayang umaga ito para sa kanya dahil napaki usapan niya ang pinsan na ito muna ang tumao sa shop niya.

May ari siya ng tindahan ng mga motorcycle at besikleta. Galing ang puhunan niya sa amang nasa ibang bansa. Kusa itong binigay sa kanya para daw makabawi sa mga pagkukulang sa kanya.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon