Didecated to lichelle05 & starmageddon. Thank you po. :)
-----------—------------------
NAng makababa na siya ng tricyle, saglit muna siyang tumayo para hamigin ang sarili.
Huminga siya ng malalim bago naglakad patungo sa bangketa.
Lahat ng madadaanan niyang tao ay napapatingin sa kanya, maging ang mga nalampasan niya na ay muling binabakikan siya ng tingin.
Maingay ang paligid..
" Ate.. pili na po kayo..mura lang"
" Magkano dito?"
" Manang alin sayo?'
" bago pa ba ito?"
"Ilan pong piraso?"
" isang dosena."
mga ganyang ang mga halos naririnig niyang pag uusap ng mga tindera at mamimili.
Saglit pa ngang nahihinto ang mga ito pag napapatingin sa kanya.
" Miss..bili na ho kayo..bagay po sainyo ito." alok ng isang babae sa kanya. Ipinapakita nito sa kanya ang isang floral dress na above the knee.
Magalang niya naman itong tinanggihan at nginitian.
Ngumiti naman iyon bilang ganti kahit hindi siya bumili.
Ng naka ilang hakbang na siya, huminto siya at bumalik. Tila naman nabuhayan ang tindera.
" Ano miss. kukunin niyo na?" Naka ngiti nitong tanong na kinuha na ang plastic para ibalot sana.
'Ayy..ang assuming ni Ate..'
" Ahh hindi ate" sagot niya na para namang nalugi ang tindera dahil nalukot ang mukha." May itatanong lang po ako" tila naghihintay naman ito sa sasabihin niya."May barya po kayo ng tig pipiso, kahit isang daan lang?' Tanong niya dito.
Lalo namang nalukot ang mukha nito. marahil na iniisip nito, hindi na nga siya bumili, magpapabarya pa.
" Wala!'listang sagot nito.
.."pero pagbinilhan mo ako, kahit dalawang daan pang tig pipiso, makakapagpalit ka" dugtong nito.
' Aba, ang wais naman nito. sabagay ganyan talaga mga tindera kapag may magpapalit, sasabihing wala, pero kapag bumili ka..may pamalit naman pala.
Napaisip siya saglit..
'" Sige na nga ate, magkano ba yang dress?. bibilhin ko na, basta yung isang daang sukli, tig pipiso ha?' Sabi niya dito na inabutan ng limang daan kahit di niya pa alam kung magkano iyon..
Tuwang tuwa naman ang Tindera." Ahh..sayo dahil maganda ka, bigay ko nalang ng 200.." pamumuri pa nito.
Mura lang naman pala yung dress saka maganda naman. Kaya hindi na siya nag reklamo.
Hindi kasi siya barat.
Matapos bayaran at makuha ang sukling dalawang papel na tig 100 at tig pipisong 100, nagpasya na siyang umusad sa unahan.
" Ate, ganda. Bili na po kayo ng maskara baka po may kapamilya o kaibigan kayong magustuhan ito.. bilhan niyo po sila..kasi kung kayo..hindi na kailangang itago ang mukha dahil napa kaganda niyo na" alok at pagpapacute ng tinderong binatilyo.
'Aba natatandaan kita ah.' Napangiti siya ng lihim.
Humarap siya sa pwesto at inalayan ng napakatamis na ngiti ang tindero.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasyTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....