AML - 1

412 11 5
                                    


Year 1983

"Bitiwan mo nga akong matanda ka,  Nakakadiri ka!"wika ni Esmeralda. Diring diri ito mula sa pagkakahawak sa kanyang braso ng isang matandang pulubi.

Gusto sana niyang ipagpag ang kamay nito na nasa kanyang braso, subalit ayaw niyang mahawakan ang kamay nito kaya kinabig niya nalang ang kanyang braso ng biglaan.

Nakalas iyon.

"Ano ba talagang kailangan mo, ha?" Mataray niyang tanong "kung pera ang kailangan mo, pwes wala akong maibibigay sayo! kaya paraanin mo ako" giit niya sa matanda.

"Sige nanaman ineng.. kahit bente singo centemos lang, pambili lang ng makakain" pagmamakaawa ng matanda na mababakasan ng panghihina at gutom. Nakasuot ito ng balabal sa ulo. Sa kanang kamay may hawak na tungkod, samantalang ang kabilang kamay bitbit ang supot na marahil pinaglalagyan ng ilang pirasong damit. Wala rin itong suot ng sapin sa paa. Larawan ng pagiging isang  kawawang pulubi.

Uminit ang ulo niya.

"Ang kulit mo rin naman ano? sinabi na ngang wala! Wala!. Gusto mo bang itulak pa kita para lang makaraan ako! hoy! "dinuro duro nya ito. "May naghihintay sa akin, kaya kung ayaw mong masaktan, tumabi tabi ka !" Mataas na tonong sambit niya.

Hindi naman natinag ang matanda. Patuloy pa rin ito sa pagmamakaawa. Lumapit pa ito sa kanya ng bahagya.

Diring diri siya sa amoy nito.

"Segi na ening  nakasasalay dito ang kapakanan ng anak mo" sabi pa ng matanda.

"Hindi ka lang pala pulubi, baliw ka pa. Sa hitsura ko bang ito, may anak na! Para sa kaalaman mo, ikakasal pa lang ako" hindi na niya napigil ang sarili dahil sa pagkasuya niya.

"Pwes, kung ayaw mong paraanin ako, hetong bagay sayo!"

Itinulak niya ng ubod lakas ang matanda.

Awtomatikong nabuwal iyon at tumama ang ulo sa naka usling bato na nasa lupa.

Nataranta siya.

Balak na sana niyang lisanin ang tagpong iyon subalit parang napako ang paa niya sa lupa at napatitig siya sa mukha ng matanda. Nakaramdam siya ng kakaibang kilabot.

Kitang kita niya mula sa mga mata nito ang tila pagbabanta at labis na galit.

Nahintakutan pa siya lalo ng umagos mula sa ulo nito ang masaganang dugo.

"M-magbabayad kka ssa gginawa mong ito... ang magiging anak mo ay magdadala ng sumpa. Isang n-napakapangit na sumpa!" Nahihirapang sambit nito. Pagkuwan ay biglang dumilim ang kalangitan.
Bumuhos ang malakas na ulan at umalinawngaw ang napakalakas na pag kulog at pag kidlat.

Naigalaw niya na ang mga paa dahil tuluyan siyang nilukob ng takot.

Iniwan niya ang matanda.

Tumakbo siya ng walang lingon lingon. Patungo sa abangan ng mga sasakyan.

Gulong gulo ang isip niya, hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang mga sinabi ng matanda. Bukod pa roon, hindi niya alam kung buhay pa iyon dahil ng lisanin niya iyon halos nakapikit na iyon.

Pinara niya kaagad ang paparating na taxi at agad sumakay ng huminto ito. Hindi niya alintana ang lamig dahil basang basa siya, dumagdag pa ang lamig mula sa aircon ng taxi.

" Saan po tayo maam?" Tanong ng driver. Na nagpatigil saglit sa kanyang pagkabalisa.

"A... doon po manong sa jollido ,sa unang branch na daraanan natin."

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon