AML - 31

90 2 0
                                        

"No!.You can't do this to me Leo!'' Galit na reaksyion ni April matapos marinig sa boyfriend na makikipaghiwalay na ito sa kanya.

Umagang umaga palang masisira na agad ang araw niya.

Narito sa bahay nila si Leo. Masaya siyang malamang bigla itong napadalaw ngunit napalitan ng galit ang kaninang pagkasabik dahil sa sinasabi nito ngayon na makikipag hiwalay na ito sa kanya.

"I'm sorry April, but i already out of love with you.." puno ng paghingi ng tawad ng binata sa kanya.

"Hindi ako papayag Leo, after ng mahaba nating pinagsamahan at sa pag sakripisyo ko ng career ko sa ibang bansa, saka mo ito gagawin sa akin?..Isa pa kulang nalang sa atin ay kasal Leo, kaya hindi ko hahayaang gawin mo sa akin to.!" Sabi niyang naghehestirikal na.

"Wala iyon sa tagal ng pinagsamahan natin Pril, Nasa nararamdaman natin iyon. Hindi ko sana gustong sabihin ito pero hindi na ako masaya sa piling mo.."

"Bakit, dahil ba sa pangit kong balat ngayon?..Kaya mo ako inaayawan?" Puno ng hinanakit na sumbat niya. Namamantal pa kasi at namumula ang kalahating katawan niya dahil sa higad na dinurog sa loob ng sinuot niyang gown. May kutob siya kung sino ang gumawa noon pero iba ang issue na iyon. Ito muna ang kailangan nilang pag usapan.

"No, that's not the reason, ang totoo niyan, hindi pa man nangyayari ang fashion show ay balak ko na talagang hiwalayan ka."

Nanlumo siya sa narinig at nagbabadya ng magbagsakan ang mga luha niya.

Ngayon niya narealize kung bakit naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya noon palang dumating siya.

"Huwag mong sabihing dahil may iba ka Leo?" Sabi niyang lalong nakaramdam ng galit dahil iyon ang kutob niya. Hinihintay niyang sa mismong bibig nito manggaling kung sino ang babae nito kahit alam niya na ang malanding Imaree na iyon ang sangkot." Tell me!..May iba ka diba? Sino siya?" sabi niyang hinahampas na sa balikat si Leo. Umiiyak na din siya.

"I'm really sorry..pero tama ka April.. May iba na akong mahal"

"Sino siya?"..Si Imaree ba? ha?..sabi niya na lalong nadudurog ang puso niya.."Siya diba..tama ako..?" Pangungulit niya dito.

"Enough April, please just let me free..marami pa namang tamang lalaking darating sa iyo."

"Do you think, makakatagpo pa ako ng katulad mo..Leo, please huwag mo akong iwan..kapag ginawa mo iyan, i swear hindi ko kayo patatahimiking dalawa at lalo na ang babaeng iyon, sisirain ko siya.!"sabi niyang nakiki usap at nagbabanta.

"No, huwag mo siyang papakialamn April, wala siyang kasalanan..kaya hayaan mo nalang kami." sagot ni Leo na nabakas ang pag aalala dahil alam nito ang kaya niyang gawin.

"Huh, palagay mo hahayaan kong maging masaya siya, samantalang ako, mesirable dahil sa pang aagaw niya sayo?..Plinano niyang lahat ng ito Leo, at siya din ang kutob ko na may kagagawan ng epic failed na Event ng bestfriend kong si Tessa."

"Hindi mo siya kilala April para paratangan siya ng ganyan. Hindi niya magagawa ang mga binibintang mo.!"

"Bakit ikaw, gaano mo ba siya kilala, di ba halos buong pagkatao niya nababalot ng misteryo?" Sabi niya dahil totoo naman iyon dahil kahit nga tirahan ng babaeng iyon at personal background nanatiling nakatago sa publiko.

'Pwes, sa akin hindi na dahil gumagawa na ako ng paunti unting hakbang at kumukuha pa ako ng maaring maging dahilan ng pagkasira ng pagkatao niya!

Ang totoo niyan, alam niya na kung saan nakatira ang dalaga dahil nung gabi palang pagkatapos ng fashion show, sinubaybayan na ito ng inupahan niyang pribadong imbestigador. Hindi muna siya gagawa ng hakbang hangga't wala pa siyang solidong plano at alas na gagamitin para mapagbagsak at mapahiya ang malanding Imaree na iyon.!

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon