AML - 28. Part 2

90 3 0
                                    

"Hi TFF". bati agad ni Maricon sa kanya ng tuluyan na itong makalapit.

Nagbeso pa ang mga ito." Sino tong cute na batang kasama mo?" Dugtong pa nito na humarap kay Raffiano."ang cute cute mo naman baby boy." sabay kurot sa pisnge nito. Namula tuloy si Raffy dahil sa ginawa ng magandang binibini.

"Hindi na ako bata binibini..ako nga pala si Raffy.." nahihiya nitong pakilala na nilahad ang kamay.

" Oi namumula ka..crush mo ako nohh?..umaakto ka ding binata.." biro ni Maricon na nangningiti. ginulo pa nito ang buhok ni Raffy. Namula tuloy lalo ang mukha nito..."Ako naman si Maricon. Ang bestfriend nitong si Imaree.. " pakilala nito."teka Ree, kaano ano mo nga ba itong si babyboy?" Ulit na tanong ng TFF niya.

Narealize naman ni Raffy na ito palang kaharap niya ang ipinakilala ni Merang kay Tita Is na kapatid niya daw.

Ang awkward tuloy dahil crush niya ito. Pero syempre si Venuzah parin ang one and only Irog niya.

"Hindi ko ba nabanggit na may close cousin akong binatilyo?..kung hindi pa..siya na iyon.." pakilala ni Merang na ginaya lang iyong eksena kanina with Yaya Iseng.. ngumiti siya ng naasiwa.

"Ah i see.." napatango tango nalang si Maricon." Tara na Ree?, Raff?" Masiglang alok nito na umangkla pa sa braso ni Raffy habang oatungo sa main door.

Napailing nalang si Merang dahil pinagtitripan nito si Raffy. Ito namang si Raffy halatang kinikilig.

'Salawahan ka naman Raffiano..paano na si Venuzah.?Ang babae naman kasing iyon, iniwan iwan ang manliligaw. ayan tuloy, nagtataksil na! ..aheks.

"Miss asan po iyong passes niyo?" Tanong ng guard sa kanila ni Raffy. Hindi na nito hinanapan si Maricon dahil kilala na ang dalaga dahil sa paglabas kanina.

"Manong guard, heto po iyong akin." Sabay pakita niya ng passes niya. Heto na ang problema niya dahil tiyak kukulitin ng guard na hanapan ng passes ang binatilyong kasama niya.
"Sa iyo po sir?"Untag nito kay Raffy na napakamot ulo..

"Ahhm Manong. Naiwan niya po iyong sa kanya dahil sa pagmamadali. Baka pwede niyo ng iconsider..please?" Pa sweet na pakiusap ni Maricon.

"Maam sorry pero sumusunod lang po ako sa utos na kapag no passes, no entry." magalang na tanggi ng Guard.

" Naku manong..kasali po ito sa main models na rarampa..lagot po kayo kay maam Tessa kapag nasira ang flow ng buong routine. Isa pa kita mo nang nakabihis na siya..ohh" Si Maricon ulet na pinasipat pa ang magarang damit ni Raffy.

Tila naman nabahala ang guard dahil posible nga itong mapagalitan o ang mas malala pa, mapatalsik sa trabaho." Parang ang bata niya pa naman maam..sure po kayong model din siya?". Paninigirado pa nito.

"Manong, baby face lang talaga siya at saka di niyo ba nakikitang mas matanggad pa siya sa iyo?" Sabat naman ni Merang. Totoo iyon dahil kahit bata ang hitsura ni Raffy, matangkad na ito.

Na convince naman nila si Manong guard kaya nakapasok na sila.

"Salamat sa inyo mga binibini..lalo na saiyo Marie." Nahihiyang sabi ni Raffy sa kanila ni Maricon.

Natuwa naman si Maricon dahil bihirang may tumawag sa kanyang first name.

"Walang anu man iyon. basta close ni Imaree..kakaibiganin ko na din."sagot naman ni Maricon .."aii..ang cute cute mo talaga." Sabi pa nito na muli nanamang kinurot ang binatilyo.

Masaya silang naglakad papunta sa elevator para makarating sa venue..

Pagpasok nila sa malaking venue, naroon na ang mga ibang piling imbetado.. Mga posibleng investors na may ari ng malalaki ding kumpanya.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon