Dedicated to Ms. Maricon Ortega. Thank you sa pag search ng story ko. Godbless ∩__∩
-------------------------------------------------
Ten Years later
"Taya!" Biglang sambit ng isang bata, matapos maabot ang likod ng isa sa mga kalarong bata.
"Ayy.. kainis naabutan pa ako.. ang bilis ko kayang tumakbo.. " maktol ng maliit na batang babae na siyang taya na ngayon.
Nagatawanan naman ang ibang batang kalaro. Dahil pano ba naman hindi ito maabutan, ehh ang haba ng mga biyas ng batang lalaking humabol dito.
Madugas kasi.
Masayang naglalaro ang mga batang ito, sa bakanteng lote na malapit sa bahay nila Merang.
Isa iyong malawak na lupain na pag mamay ari parin ng gobyerno. May mga puno at carabao grass din na makikita doon. Sa paligid ligid naman nagsulputan ang mga ligaw na bulaklak.
Kahit sinong bata, gugustuhin na mag laro doon. Bukod sa presko.. maraming pang batang makakalaro at magiging kaibigan.
Kaya naman sabik na sabik na tumungo dun si Merang kahit na mahigpit na pinagbawalan siya ng inang si Esmeralda. Ang totoo tumakas lang siya sa kanila dahil wala sa mansiyon ang magulang at kapatid niya. Nag mall nanaman kasi ang mga ito... at as usual iniwan nanaman siya sa kanyang yaya, na ng mga oras na iyon ay tinakasan niya habang naliligo..
Matagal niya ng kinukulit ang yaya niya na pumunta sila sa lugar na iyon dahil naiinggit siya sa mga batang masayang naglalaro doon. Nakikta niya kasi ito tuwing hapon kapag minsan sinasama siya ni yaya sa palengke.
Oo nakakalabas siya ng bahay pero pinaghihintay lang siya sa loob ng sasakyan kasama ang driver. Kumuha na kasi ng driver ang mama niya dahil dalawa na ang sasakyan nila, pinalaki na din ang kanilang bahay. In short, gumanda na ang kanilang pamumuhay. iyon ay dahil sa promotion ng kanyang ang papa.
Kahit nakukunsiya siya dahil tinakasan niya si yaya ay pananabik parin ang nangingibabaw sa kanya dahil may mga bata na siyang makakalaro.
Excited siya.
Wala kasi siyang kaibigan kahit isa. Taong bahay lang kasi siya. Madalas ang yaya Iseng niya lang at ang private teacher niya lang ang palaging kasama..
Nakakasawa na.
Buti pa ang kapatid niyang si Emily madalas dito. Mas gustong makipaglaro sa mga ito kaysa sa kanya.
"Oyy magtaguan naman tayo.. dali!" rinig niyang sabi ng isang batang babae na marahil kaedad niya lamang.
Si Tessa iyon.
Certified tarayistra.
Tinawag nito ang mga kalaro.
Malapit na siya sa grupo ng mga bata kaya napangiti siya at nananabik.
Gusto niyang sumali sa tinutukoy nitong laro. Mukhang masaya kasi base sa mga mukha ng mga bata.. " Sige mag pabilog na tayo.." Pagpatuloy ni Tessa.. " bibilang ako ng ...hhhhmm.. mga sengkwenta. Kung sinong mahintuan..yun na ang taya ha! walang magrereklamo. Ok?" Mautoridad nitong paliwanag.
Sumangayon naman ang lahat.
Nang magbibilang na si Tessa ay agad siyang nagsalita para mahinto iyon para makasali siya..
" H-hello sa inyo..pwede ba akong s-sumali?" kimi at nahihiyang bati niya sa mga ito. Ngumiti din siya ng bahagya, dahilan para sumama' lalo ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasíaTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....