Halos buong casts at team ay bumati sa kanila, dahil sa galing nilang umakting. Higit lalo ang puri na inani ni Merang dahil tunay na nakakabilib iyon sa kagaya niyang baguhan..
Mag aalas dose na ng tangahaling iyon natapos at ngayon, masayang masaya silang nagsasalo sa malaking piging..
Ang daming masasarap na pagkain at mga inumin. Early party pala ito kahit hindi pa man naipapalabas ang pelikula. Kampante kasi si Direk na papatok ulit iyon sa takilya lalo na at may bagong flavor ang movie na iyon.
"Here Imaree..ubusin mo yan ha?" Sweet na sabi ni Rondell na inabot sa kanya ang isang plato ng pagkain. Punong puno iyon dahil iba't ibang putahe ang nakalagay..sinadya iyon ng binata para alukin siya ni Imaree na magsalo nalang sila.
'Sus..kulang pa nga ito eh.hehe..kaso hinay hinay lang sa mga mamantikang pagkain..' sabi niya sa sarili. Iingatan niyang huwag mabura ang lipstick.
"Salamat Rondell..saluhan mo nalang ako, hindi ko yata to mauubos.."sabi niya ditong medyo nahihiya."kuha ka na lang ng spoon at fork"sabi niya pa.
"Ah mayroon na ako."nakangiting sagot ng binata na pinakita ang hawak na kutsara at tinidor, tinago pala sa bulsa.
Natatawa siya sa style nito.
"Oyy.. ano yan..ang sweet naman. pero sana share nalang kayo sa isang spoon, mas sweet iyon." Pansin nananan ng walang hiyang si Dyokno. Na punong puno din ng pagkain ang plato..pangalawang kuha na nga iyon.
Samantalang masayang nagkukwentuhan naman si Maricon at Xian..close friend din pala ang dalawa dahil madalas din itong magsama sa mga shows.
Nasa isang lalaking cottage sila ngayon. Ilang metro ang layo sa malaking pool. samantalang sa kabilang side
naman naroon ang napakagandang talon..
" Ubusin mo na ito Rondell..busog na ako eh"sabi ni Merang kay Rondell.
"Are you sure?, eh kukunti palang iyon nakakain mo.." takang tanong ni Rondell..
"Di kaya naiilang siya sa akin?' Isip ng binata.
"Yeah.. Mahina talaga akong kumain lalo na pag ganitong mga karne..vigetarian kasi ako." Pagsisinungaling niya dito.
"Okey."sabi nalang ni Rondell na tila nawalan ng gana. Tumingin ito sa pwesto ni Dyoko at tinawag ang kalbong bading.
'Bakit fafa Ron?' pagpapacute nito ng mkalapit.
"Paki ubos naman nito oh..kawawa ka naman nangangayayat kana.."sabi ng binata na pinalis iyong laman ng plato sa plato ni Dyokno na mababakante na.
Nanlaki naman ang mata ni Dyokno.
"Your so sweet naman fafa Ron..i love you na talaga." Sabi nitong tuwang tuwa.''Buti nalang hindi pa ako busog" pagsisinungaling nito pero ang totoo, bundat na ang tiyan nito at makailang beses na din umutot ng palihim.
Natawa nalang si Merang sa hitsura ni Dyokno at sa Ginawa ng binata.
Napansin iyon ni Rondell.
"Ang ganda mo talaga lalo pag nakangiti..." puri nito sa kanya.
Natahimik naman siya at namula dahil sa malalim na pagtitig ng binata.
Hindi niya alam kung ano ang irereact niya buti nalang biglang lumapit si Maricon.
"Ree tara na bihis na tayo..let's swim..sayang ang ganda ng panahon oh.." excited na yaya sa kanya ni Maricon.
"Pre' shot daw tayo nila direk.."alok naman ng kalalapit lang na si Xian kay Rondell.

BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasiaTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....