"Hi Love good evening...pagod ka ba sa maghapong pagtatrabaho?" salubong at humalik si Esmeralda sa kadarating lang na mister. Agad nitong kinuha ang bag ni Manuel at inilapag sa sofa." Yaya! ihanda mo na ang hapunan..nandito na ang sir mo!" Tawag pa nito sa katulong.Ganyan si Esmeralda, bait baitan pag nandiyan na ang asawa.
" Okey lang naman hon. Marami lang inasikaso.. medyo mahirap nga lang kasi nag resign ang nag mamanage sa production team." sagot naman ni Manuel na hindi naman pinag interesan ng asawa ang sinabi nito. Wala ng balak si Esmeralda na dugtungan ang conversation about sa office.
Wala naman kasi itong paki alam sa hirap na pinagdadaanan ng asawa. Ang mahalaga dito ay ang perang sinsahod ni Manuel.
" Gusto mo i massage kita mamaya Love?" lambing ni Esmeralda. Pagkaganung ang style nito.. malamang may hihingin na naman sa asawa.
'Hmm.. talaga Love?' nakangiting sagot ni Manuel." gusto ko yan Love" dugtong pa nito na hinalikan sa pisnge ang asawa.
" Awww...ang sweet naman talaga ng parents ko" wika ng kabababa lang ng kwartong si Emily. Ipinasok na nito ang mga magasines na pag aari ni Merang. " hi pa'.." bati nito sa ama na humalik pa sa pisnge.
" Maam, Sir, Emily, Hali na po kayo sa kusina. Naka handa na po ang dinner." Magalang na pagtawag ng katulong sa mag aama.
*Dining Room*
"Oh, asan pala si Merang" paghahanap ni Manuel sa panganay. " Yaya, paki tawag na nga" utos ni Manuel sa di mapakaling katulong.
Napa tingin ang katulong kay Esmeralda na pinanlakihan naman ng mata ng huli. Nagpapahiwatig ng 'wag-kang-magkakamaling-gawin-yan'.
"Haay.. naku Manuel masakit daw ang ulo ng anak mo..paano ba naman kasi walang ibang ginawa sa maghapon kundi, magbasa ng libro, manood ng TV at maglakwatsa" pasisinungaling at paninira nito sa anak.
Lihim namang nainis si yaya
Napakasinungaling talaga ng bruhang ito.
" Oo nga po papa.. tinatawag nga namin sa kwarto niya para mag meryenda sana kanina, kaso pinapagalitan kami at itinataboy." Dugtong naman ni Emily.
'Mag ina nga talaga sila' aniya sa isip ni Yaya.
Napaisip naman si Manuel.
Parang imposible naman yata na gawin iyon ng panganay niya?
O baka naman kaya dulot na iyon sa pagka bugnot ng anak.
Paano palaging si Yaya lang ang kasama baka nagbago na ang ugali nito.. at hindi na din kasi ito bumabata baka kailangan na nito ng lovelife?
" Naku kausapin mo yang anak mo Manuel, wala na yatang paggalang sa akin" kunwaring nasasaktan ang loob ni Esmeralda.
" Sige, pagkakain, pupuntahan ko sa silid niya." alalang sambit ni Manuel.
Nagkatinginan naman ang mag ina.
Patay"
" Ahh.. Manuel, siguro mas mabuting wag mo munang abalahin ang anak mo.. hayaan mo nalang siyang magpahinga. Tutal pinahatiran ko na siya ng pagkain kanina pa." Tensyonada at pagsisinungaling pa nito." ..at yan pa nga ang nakakatampo sa anak mo. Ang yaya niya lang ang gustong kausapin.ito lang ang pinapayagan na makapasok"dugtong pa nito.
Bigyan na ng award yan! Tindi ng akting!
" Papa mahilig din pong maki alam ng gamit yang si Ate.. Nangunguha ng hindi kanya." Dagdag namang kasinungalingan ni Emily.

BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasiTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....