AML - 16. Part 1

105 4 0
                                    


when tomorrow comes, i'll be on my own.. feeling frightened of the things that i don't know...♪

Nagmamadali si Merang na abutin ang cellphone dahil may tumatawag sa kanya.

Nang tingnan niya iyon ay isang unregistered number ang caller pero may kutob siya na si Rondell iyon.

'Patay, anong gagawin ko?..baka kanina pa siya naghihintay sa labas ng gate nila Aleng Kidang?..

Hindi niya alam kung sasagutin niya iyon.

Hindi pa kasi siya makakapagpalit anyo dahil hindi pa oras.. Seven Am pa eepekto ang hiwaga nun.

Dapat nga alas singco ng umaga ang alis nila dahil mahigit dalawang oras ang byahe patungong Laguna.

Nakahanda na ang mga dadalhin niya at nakapagbihis na din siya. Tanging ang pagpapalit anyo nalang ang kulang bago siya tuluyang humarap sa binata.

Naka dalawang tawag na ang binata ngunit di niya sinasagot.

'Hala..baka tumatawag na iyon kila aleng Kidang.. magmumukhang tanga yun doon...'pag aalala niya pa.

Pero napagisip isip niya na mas mabuting sagutin niya nalang ito at magsinungaling nalang..

Nang makapagisip ng idadahilan sinagot niya ang pangatlong tawag nito.

"Hello..? Sagot niya.

"Imaree..naku pasensiya na, kanina ka pa ba naghihintay?sorry kasi kagigising ko lang napuyat kasi ako kaka isip sayo eh." hayagang sabi ng binata na tila aligaga sa kabilang linya. Dinig niya pa ang pagkalabog sa kinaroroonan nito, marahil sa pagmamadali.

Nakahinga siya ng maluwag.. at nautot siya sa kilig..

'"Ayyiieee....'

"No.. ang totoo 1 hour ago palang ako nagising at may inaasikaso pa naman ako..sige Rondell take your time.'' Sagot niya dito.

"Ok..i'll call you pag papunta na ako dyan..tatawagan ko na din si direk na medyo ma lelate tayo." sabi pa nito.

"Ok" maikling sagot niya at nagpaalam na siya dito.



NANG sumapit na ang alas Syete, agad niya ng ginamit ang mahiwagang lipstick at presto balik dyosa nanaman siya at nasa harap na niya ang napakagandang si Prinsesa Curliyah..Napakagara nanaman ng kasuotan nito.

"Hi Merang.. may itatanong ka ba kaya di mo ginamit ang spell?' nakangiti nitong tanong.

Napakamot ulo siya dahil hindi niya naman nga na gets iyong spell na binigkas nito noon.

"Ehh..hehe pwedi po bang paki ulet nung spell?, hindi ko po kasi nakuha nung ibinigay mo..anong lengguwahe po ba yun?'
Nakangiwi niyang sagot.

Marahan namang tumawa ang Prinsesa marahil sa hitsura niya na parang ewan. Dinahan dahan naman ng prinsesa ang pagsambit sa spell para makuha niya.

Inulit ulit niya iyon hanggang sa maperfect.

"Gneabab noyagam, ead ak awtubgam" sambit niyang tuwang tuwa dahil nakuha niya din ng sakto pero nagulat siya dahil biglang naglaho ang Prinsesa.

"Hala..ang galing nga, nawala na..patay baka   isipin nun pinagtabuyan ko na siya.hehee'

when tomorrow comes, i'll be on my own.. feeling frightened of the things that i don't know...♪

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon