AML - 4 part 2

188 4 0
                                    

Dedicated to Mr. Arjon Panagan. Peace tayo ha? ^_^||

-----------------------------------------------------------

Sa probinsiya ng Bicol na kinalakihan ni Yaya Iseng nila dinala si Baby Merang .
Nag pasama sa kanya ang sir Manuel niya.

Humingi ito ng dalawang araw na leave sa trabaho para sa pagpunta nila doon.

Tumanggi namang sumama si Esmeralda dahil wala daw maiiwan sa bahay. Pansin nila ang panlalamig nito sa anak.

Bumyahe ng sampung oras ang tatlo, sakay ng bus. Bawat tao na napapasulyap sa kargang bata ni Yaya ay kung hindi natatakot ay nandidiri. Kapag ganun, nilalaro nalang ni yaya ang bata at nagpaparinig sa mga taong mapanghusga.

Pagkarating sa Brg. Palong, Libmanan, Cam. Sur. Kung saan nakatira ang pamilya ni Yaya Iseng, Mainit silang sinalubong ng ina ni yaya. Sabik na kasi si Sheryl na makita ang anak matapos mawalay dito ng higit isang taon.

" Kumusta ka na anak ko? ang ganda ganda mo na anak ko." naiiyak nitong bati na agad niyakap ang anak."pero bakit itim na lipstick pa din ang gamit mo?"muling tanong nito.

" Ok naman po ako mama. Miss na miss ko na din po dito." Naiiyak na sagot ni yaya." About sa lipstick ko....eiii paborito ko po kasi talaga ang ganitong lipstick eh.." dugtong pa niya.

Noon naman napansin ng ina ang sir niya na karga ang anak. kumalas ito sa pagkakayakap mula sa anak ." Sir, magandang tanghali po...kamusta ho. Tara po pasok po kayo, pasensiya na po sa bahay namin. Maliit lang po ito pero malinis naman." Daldal nito na napatingin sa gargang bata. " iyan na po ba ang sinasabing anak niyo na kinukwento nitong si Iseng.. naku kawawa naman pala. Pero wag kayong mag alala baka matulungan kayo ng albularyo namin dito." Mahabang litanya ni Aleng Sheryl.

" maraming samat po sa pagtanggap aleng Sheryl. Huwag po kayong mag alala hindi po ako maselan sa ganitong pamumuhay. " pagpapasalamat ni Manuel.

"Wala hong anuman yun sir. Upo muna po kayo at magpahinga habang hinahanda ko kayo ng makakain. mamya po pagkatapos niyong kumain at mapagpahinga, sasamahan na po namin kayo sa albularyo." Wika ni Aling Sheryl. "Anak kaw na muna bahala sa kanila ha?" Nagpaalam na ito at tumungo na sa kusina.

"Sir, feel at home po ahh. Akin napo si baby Merang. Pahinga muna kayo. Dadalhin ko lang siya sa hardin" kinuha ni Yaya ang bata. at dinala sa napakagandang hardin. Punong puno ng mga bulaklak.

Tuwang tuwa naman ang alaga niya fahil maraming paru parung nagliliparan.

"Ayan baby, dali hulihin mo" kausap ni yaya sa bata na hawak ang braso ng at pilit hinahabol ang kulay puting paru paru..

" Iseng.. ikaw na ba yan?" natigil sila sa paglalaro ng mula sa bakod ay natanaw niya ang isang binata.

Ang kanyang napakakulit na manliligaw na si Arjon.

" ayy hindi. Picture ko lang to!" Bara niya dito.

"Di ka pa rin nagbabago Iseng ko. Palabiro ka pa rin At ang lakas talaga ng appael ng lga labi mo" naka ngiting wika nito. "Kumusta ka na at sino yang batang karga mo? " Tanong nito na noon nakatalikod mula sa pagkakarga ni Yaya ang bata.

Bigla namang naka isip ng kalukuhan si yaya. Siguradong titigilan na siya ng makulit niyang manliligaw. Gwapo naman sana ang binata kaso babaero at may bisyo. Ayaw niya ng ganun..

"Ahh. Anak ko to' si Baby Merang" nakangiti niyang sagot saka hinarap sa binata ang bata.

Kita niya naman sa mukha ng binata ang pagkagulat pagkakita sa hitsura ni Baby Merang."Actually kasama ko nga ang tatay nito eh" dagdag pa ni Yaya. Lihim siyang natawa sa hitsura ng binata dahil sa panlulumo nito.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon