AML - 29

103 3 0
                                    

"Magandang umaga po mga maam" bati ni Yaya Iseng sa mga amo pagkababa ng sasakyan sa may garahe. kararating lang ng mga ito.."hala napano po kayo maam Emily?" Kunwari alalang tanong nito kahit alam na nito ang nangyari kagabi.

"Puwede ba Iseng, tumigil ka sa pag uusisa, tulungan mo muna kaya si Emily na makababa..huwag chismis agad ang inuuna mo!." Galit na sita ni Esmeralda.

Inalalayan naman nito si Emily sa pagbaba. May saklay pala itong dala. Nasa loob ng sasakyan.

'Buti nga saiyo maldita.. itulak pa kita eh.. makita mo!"sabi sa isip ni yaya.

"Ano ba old maid..dahan dahan nga..huwag ka ngang nagmamadali sa paglalakad..kita mong pilay ako diba?!" Galit na sabi nito. Sinadya niya talaga iyon.

'Ang OA naman..may saklay naman, nagpapa alalay pa."

""Sorry po maam." Kunwari sensero niyang paumanhin.

"Tss.."

"Iseng, nakapaghanda na ba kayo ng almusal?" tanong ng amo niya. Nakasunod ito sa kanila.

"Wala pa maam. Nagluluto palang po kami ni Merang."

" Ano ba naman iyan!. Anong oras na?..Tanghali nanaman kasi kayong gumising...mga feeling prinsesa talaga kayo!"galit na sabi nito.

' tanghali na ba ang alas sais?..kayo nga kung magising alas onse na..tapos sasabihin niyo maaga pa. Sabagay maaga pa nga para sa next day.tsk!'

" Sorry po, napuyat lang. nanood kasi kami sa TV nung fashion show nila maam Emily kagabi." Pangangatiwiran ni Yaya.

Nasa kusina na sila ngayon. Inalalayan ni Yaya si Emily sa pag upo.

Si Merang naman ay abala sa pag prito ng longganisa. Napapangiti ito dahil napasulyap ito sa kapatid pagkapasok nito sa kusina..

'Bagay pala sa iyo ang may saklay..sana forever na iyan..haha..ayy wag pala..hindi ako makakagala kapag palagi kang nandito. Sabi nito sa isip na binawi din ang hiling .

" Huwag mo na ngang banggitin ang letcheng fashion show na iyan.." galit na reaksyon agad ni Emily na sinaway ang katulong" Walang hiyang Imaree na iyan..Sinadya niya akong tisurin..sa oras na gumaling talaga ako..ako na mismo ang hahunting sa kanya..pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito." Sabi pa nito. " Mama, Plinano niya ang lahat ng ito, kasabwat ang dalawang nognog na iyon, malakas ang kutob ko." Sabi nito sa ina.

"Pero si diba napahiya din siya anak, nakitaan siya ng panty."sagot ng ina nito.

"Palabas niya lang iyon..bakit hindi siya nangati, bakit walang durog na higad sa gown niya.? Sinadya niyang idamay ang sarili para hindi siya mapaghinalaan.." nakakasigurong sabi nito.

"Ang galing talagang mag analisa ng babaeng ito. natumbok mo hija." Ani yaya sa isip.

Natigilan naman si Merang dahil nakuha ng kapatid ang talagang totoong nangyari.

"Hayaan mo anak, pag gumaling ka na..tutulungan kitang hanapin ang walang impaktang babaeng iyon. Napakalaki na ng atraso niya sa iyo. Una, inagawan ka ng role, ngayon naman sinaktan ka at ipinahiya." Pangako ng ina. Hindi nito kailan man hinayaang ma api ang anak.

"Dapat lang mama..pinahiya niya kami sa buong mundo...kaya humanda siya dahil hindi din papayag si April na hindi makaganti. ipinapangako naming..sisirain namin ang babaeng iyon." Buong tapang na pagpahayag ni Emily na nanggigigil sa galit."Higit sa lahat humanda siya kay miss Tessa oras na magpa imbestiga at lumabas na siya ang salarin. Tiyak sa bilangguan ang bagsak niya." doon napatawa ito ng nakakaloko.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon