AML - 11. part 2

151 5 2
                                    


"Merang, andito na ako!" Rinig niyang boses mula sa yaya niya. Nasa labas ito ng pinto ng kwarto niya at kumakatok.

'Patay, anong gagawin ko?' Bigla siyang nag isip kung magpapakita ba siya ng ganito sa yaya niya o bilang si Merang na pangit?

..."Anak buksan mo ang pinto, andito na iyong pinabili mo." sigaw nitong muli. Galing kasi sa palengke ang yaya niya at nagbilin siya na uwian siya ng paborito niyang chokoy. Isang uri yun ng kakanin.. kanina pang 5am ito umalis at ngayon nakauwi na ito ng 8 AM.

Ang papa niya naman maagang pumasok, samantalang ang mama at kapatid niya, kanina pang 4 AM umalis patungong davao. May photoshot nanaman kasi si Emily doon.

"Yaya, sandali lang po.." nagmamadali niyang tinungo ang pinto ng kwarto para pagbuksan ang yaya niya.

Nagdesisyon siyang magpakita ng ganito at sabihin kung paano ang nangyari..

pero hindi niya muna babanggitin ang tungkol sa prinsesa baka kasi lalo itong ma shock.

'Unti untiin muna natin ya'

Pagbukas ng pinto..

" Hello ya?' bati niya sa katulong habang naka ngiti.

Napakunot noo naman si Yaya Iseng.

"S-sino ka hija? at bakit nasa kwarto ka ng alaga ko?..asan si Merang?' Takang tanong ni Yaya Iseng na tuluyan ng pumasok sa kwarto." Anak! ..Merang?' tawag pa nito.

" Ehhii.. yaya anu kasi.." kabado niyang pagsasalita

" Ano? asan nga ang alaga ko hija?' Tanong ulit nito sa kanya.

" Yaya.. huwag kayong magugulat..pero ako po 'to.. Si Merang" nakangiti niyang pakilala na tinuro pa ang sarili.

"ANO?????!" Gulat nitong sambit.

'Sinabi na ngang huwag magugulat eh..

..." naku hija huwag mo akong pinagloloko diyan..hindi ako nakikipagbiro." Puno ng kaseryusohan na wika ni Yaya.

Sa isip naman ni Yaya..

'Kaboses ng batang ito ang alaga ko ah... pero hindi.. pinagtitripan lang ako nito..
ito na ba ang karma ko sa minsang pantitrip ko?'

"Yaya naman ehh...hindi nga po ako nakikipaglokuhan..ako nga po ito..si Merang" aniya. Gusto sana niyang tanggalin na ang lipstick niya para bumalik ang hitsura niya, kaso may plano siyang lakad ngayon..after 6 hours nanaman kasi bago siya gumanda.."ok ganito nalang magtanong ka nalang ng mga sekreto mo na ako lang nakaka alam.." pagpupumilit niyang pag convince dito.

Napa isip naman si yaya Iseng kung papatulan ang pinagsasasabi nitong magandang dalaga.

pagkuwan..

"Ok sige nga..kapag ikaw di nakatama ng sagot..naku nakung bata ka..makukurot kita sa singit." Kunwari inis na sabi ni Yaya.

"Dali na..magtanong ka na yaya" excited na turan ng dalaga..gusto niya na kasing maniwala sa kanya ang katulong.

"O sige sagutin mo ito,...sino ang first love ko?' Tanong ni yaya na medyo namilipit sa kilig

'Sus pwede ko bang makalimutan yun, halos gabi gabi mo nga akong iniyakan ng malaman mong nag asawa na iyon..

.." O diba hindi mo kilala? kasi nga si Merang lang may alam nun.." sabi pa ni yaya.

"Ayiee.. kilala ko ya, si Arjon Panagan kaya..haha!" Natawa siya dahil namutla ang yaya niya.

'Di naman bagay kong sabihin kong nag blush..sa edad niyang yan?hehe

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon