AML - 3

176 8 4
                                    

Matapos ang isang linggong pagpupulot gata, lumipat na ng sariling bahay ang mag asawa. Kumuha na ng hulugang bahay si Manuel. Dalawang palapag iyon. May apat na kwarto bukod pa ang sa katulong. Malaki naman at maaliwalas ang kaanyuan lalo na ng malinisan ng kanilang kinuhang kasambahay.

Si Iseng na bente uno anyos. Nirekumenda ito ng isa nilang kumare dahil masipag di umano ang dalaga. Ang kakàiba lang sa dalaga ay ang mga labi nito na kulay itim. Iyon marahil àng shade ng lipstick na gamit nito.

"Good morning po sir, maam kamusta po ang honeymoon niyo?" Masiglang bungad na bati ng katulong. Kahapon pa ito hinatid ng ina niya sa bahay na iyon para maayos na sa pagdating ng mag asawa. "May baby na po ba akong malapit ng alagaan?" kasunod na tanong nito.

"Ayos naman Ineng----"

"Iseng po sir" pagtama ng katulong.

" Ahh" tumango si Manuel "paki kuha nalang yung mga gamit sa kotse, dalhin mo sa silid namin. Saka paki handa kami ng makakain ng maam mo. Tawagin mo nalang kami ng pag naihanda mo na." Utos ni Manuel.

"Sir, yes sir!" Sumaludo pa si yaya bago tumalima.

Wala namang ganang magsalita si Esmeralda. Ang totoo nainis siya sa pagka usasera ng katulong. Magkaakbay nilang pinasok ang kanilang silid.

Malaki ang room nila. Di pa nga lang kumpleto sa kagamitan pero pasasaan bat mabibili din nila iyon.

"Love, tulog muna ako ha. Napagod kasi ako sa byahe. " Si Esmeralda. Humiga ito sa kama.

"Ganun din ako love" sagot ni Manuel at Sumampa din sa kama.

Nagpahinga sila ng magkayakap.

After 20 minutes nakarinig sila ng mga katok sa pinto.

Si Iseng na tumatawag na para ipaalam na handa na yung pagkain nila.

Nagbihis muna sila ng pambahay bago lumabas bg silid.

Pagkarating sa hapag kainan bumungad sa kanila ang mukhang masarap na mga pagkain.

Matapos tikman talagang masarap nga ang mga iyon kaya bumilib siya sa galing ng katulong. Hindi sila nagkamali sa pagkuha dito.




*3 months later*


Kasalukuyang nagbabasa ng pocketbook si Esmeralda ng makaramdam siya ng pagkahilo. Para ding babaliktad ang kanyang sikmura kaya dali dali siyang pumunta sa lababo doon pilit inilalabas ang suka pero wala naman siyang maisuka.

Nasa trabaho ng oras na iyon ang asawa.

Bumalik nalang siya ng kwarto at magpapahinga muna. Mamaya mag papa check up siya baka kung ano na ang sakit niya.

"Congatulations misis Del Fuego you are two weeks pregnant" masayang bati ng doktora matapos lumabas ang result ng mga examents na tenest niya.

Halos di naman siya agad naka imik dahil sa shock

"Misis ok lang po ba kayo?" Pukaw ng doktora na nag pabalik sa huwesyo niya.

Sobrang saya niya dahil magkaka anak na sila ni Manuel. Mamaya susurprise niya ito.

" Bibigyan ko na lang kayo ng riseta para sa mga vitamins misis.." bilin ng doktora na sinulat sa papel ang mga gamot at betemina.

"Salamat dok, tutuloy na ako." Paalam niya dito matapos lakuha ang reseta at magbayad.

*Pagka uwi ng bahay*

Pagkapasok niya palang sa loob tinawag niya agad ang katulong.

"Iseng! Iseng! " malakas na tawag niya ki Iseng

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon