AML - 34

154 10 7
                                    

Matapos makapagtransform si Merang at lumitaw ang dalawang nagliligawan parin na sina Raffiano at Venuzah, Nag request siya dito na kung pwede mag dissapear muna ang mga ito at ipagpaliban muna nila ang pag uusapan nila. Idinahilan niya nalang na may emergency siyang pupuntahan. Hindi niya na binanggit na nandito ngayon sa bahay nila si Maricon. Baka kasi pag nalaman iyon ni Raffiano, babain ang dalaga. Hindi naman lingid sa atin na crush nito si Maricon. Isa pa baka ma saktan si Venuzah at iwanan na naman nito si Raffiano, e di problema niya pa iyon.

"Tff, sabay na ako sa iyo ha?" Sabi ni Maricon.

"eh ang kotse mo paano yan?"tanong niya. Baka kasi magtaka si Leo.

"Kunyari nalang, kasama mo ako sa pinuntahan mo dito at tinamad kamo tayong maglakad kaya dinala natin ito.' Sabi nito.

"Oh siya sige na nga, tara na baka naiinip na iyon doon." Agad niyang yaya dito."paano po yaya, punta po muna kami doon at baka din po lumabas kami ni Leo, tiyak may paguusapan kami." Paalam niya sa yaya niya.

"Tita Is next time po ulet. Alis na po kami." Paalam naman ni Maricon sa yaya niya.

"Siya sige hija aasahan ko ulet ang pagdalaw mo ha, pero next time, tumawag ka muna hija kapag pupunta ka dito, baka kasi matyempuhan mong nandito ang mag inang bruha eh matikman mo din ang bagsik nila." Sabi nito kay Con." Ikaw naman anak, mag ingat ka sa Leo na iyon baka kapag nalaman niyang ginamit mo lang siya, baka anong gawin niyon sa iyo." Paalala naman nito sa kanya.

"Palagay ko, kay April ka dapat mag ingat Ree, oras na malaman nitong kayo na ni Leo. na ikaw ang pinalit sa kanya. Siguradong baka impyerno galugarin nun, hanapin ka lang.!" Sabi ni Con.

"Ayy grabe siya, impyerno talaga, anong akala niya niya sa akin, napakasama?" hehe. Slight lang naman.'

Tama nga naman ang kaibigan niya. Mas nangangamba siya oras na malaman iyon ni April, paniguradong mas malala pa ang gagawin nito kumpara sa pagpapahirap nito sa kanya nung high school days nila.

" Huwag kang mag alala anak, nandito naman kami. Hindi naman namin hahayaang maagrabyado ka ng babaeng iyon. Tama nang inapi ka at pinahirapan noon, nung mga panahong steady ka lang sa pagiging panget. Hindi na ngayon dahil hindi na bagay sa iyo na api apihin pa. Napakaganda mo na kaya. Sopistikada at mukhang mabango lagi."

" Tama na nga ang chika Yaya. Mamaya na iyan baka hindi natin alam nasa loob na pala ng bakuran ni Aleng Kidang si Leonard." awat niya dito.

Saka sila nag madaling lumabas ng bakuran at sumakay agad sa kotse ni Maricon na nasa tabi.

Wala silang kamalay malay na ang lalaking kanina pa doon ay nagmamadaling nagtago sa iskinita.

Ilang segundo lang ang lumipas at nandoon na sila sa Tapat ng bahay nila Aleng Kidang. Nagkatinginan sila dahil napansin nila na panay ang tingin ni Leo sa loob ng bakuran nila Aleng Kidang.

Napatingin ito sa kotseng sinasakyan nila at tila naghihintay na bumaba ang tao sa loob nito.

Napangiti ito ng makita siyang bumaba.

"Hi Sweetheart..ang tagal mo naman, malayo ba ang pinuntahan mo at gumamit ka pa ng kotse?" Tanong nito na agad lumapit sa kanya. Napalingon naman ito sa huling lumabas sa driver seat. Nagulat ito ng bahagya ng makita si Maricon."Andito ka din pala Con.?"

"Ah wala! Pictire ko lang ito.!" Pambabara naman ng kaibigan niya. Hanggang ngayon mainit parin ang dugo nito kay Leo dahil nga sa pagiging bolero at womanizer nito.

"Grabe siya oh."

"tss!" Sagot lang ni Con na may kasamang irap."Ree, i need to go. Andito na kasi ang lover mo, nakakahiya naman sa kanya." Paalam ni Maricon na may pagkasarkastika ang pagkakasabi."Kwentuhan mo nalang ako ha.?" Sabi nito sa kanya ng pabulong.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon