AML - 9

135 4 1
                                    

*Pak!

*pak! " tunog ng mag asawang sampal sa pisnge ni Merang, pagbungad niya palang sa pintuan. Galing iyon sa kanyang nanggagalaiti sa galit na ina.

Automatic na namula agad ang maitim niyang mga pisnge.

" Pu**ngina mong babae ka! Ganito pala ang pinagagagawa mo..ang maglakwatsa habang wala kami dito!" namumula ito sa galit.

Pagkaganun. Hindi nalang siya umiimik dahil kung magsasalita siya mas lalo nito iyong ikakagalit. "..At anong ibig sabihin ng mga larawang ito?' Wika nito na nanggigigil na idinuldol sa harapan niya ang telepono nito.

Nanlaki naman ang mga mata niya.

'Paano at saan nito iyon nakuha?

picture nila iyon ni Toto habang masaya silang kumakain.

" Mam---madam..walang pong ibig sabihin yan. Si Toto po iyan, kaibigan ko." Mahinang paliwanag niya. Muntik niya na itong matawag na Mama. Ayaw na ayaw pa naman nitong tinatawag na mama. Gusto nito madam ang itawag niya dito.

" Kaibigan?" Nagpapatawa ka ba?..sino namang tangang lalaking makikipagkaibigan saiyo?" Sarkastikong komento ni Esmeralda." Hindi pakikipagkaibigan ang habol niyan... Kundi ang puri mo!. Itigil mo iyang paglalandi mo dahil ayaw kong mag uwi ka ng kahihiyan dito! Tama nang ikaw lang ang nakakahiya sa pamilyang ito..kaya huwag na huwag mo ng balaking magpabuntis sa opurtunistang iyon!" Mahabang katuwiran nito.

'Wow! ako..? magpapabuntis? Kahit nga ipis takot lumapit sa akin! wow lang talaga.

Ibang klase naman tong makapagisip!

" Ma.. do you think na papatusin nung lalaki, yang halimaw na iyan?! oh come on!" Wika ng babaeng lumapit. Galing ito sa kusina at may hawak ng baso ng juice.

Ang evil sister niya.

" Bakit Emily, hindi mo ba nakikita ang katawan niyan, kahit ganyan kasama ang pagmumukha niya.. takpan lang ng sako ang ulo niyan pagpipystahan na yan ng mga rapist.! " sagot ng ina niya sa naka upong kapatid. Naka cross legs ito habang umiiinom ng juice. Marahil karadating lang ng mga ito dahil sa bihis at make up.

" Yaya.. ano ba, bilisan mo nga asan na iyong pinapa handa kong pancake!?" Sigaw nito na patungo sa dereksiyon ng kusina.

Wala pa palang kamalay malay si Yaya na dumating na siya at naka kuha na ng awards.

Masakit na awads.

Mga sampal!.

" sandali nalang po maam'" naulinigan niyang sagot ni Yaya.

" Lintik.. ang tagal naman mauubos na ang panulak ko wala pa ang pagkaing iyan!" inis nitong reklamo na napatingin sa kanya. Partikular sa mga bitbit niya.

Kinabahan naman siya.

Papalapit ito sa kanya. Nakapaskil sa mga labi ang ngisi.

" Ano to?!.. at ito?! " hinablot nito ang plastik ng mga pagkaing dala niya para kay yaya at ang plastik kung saan nandoon ang mga magasine at libro. Napangiti ito ng makita ang isang supot ng mga pagkain.

" Wag! ibalik mo sa akin iyan Emily!" pilit niya iyong inaagaw sa kapatid niya matapos ang akma nitong pagtalikod. Pabalik kasi ito sa sala.

" Please.. hindi para saiyo yan..!" Pagmamaka awa niya dito." Emily..." maabot niya naana ang mga plastik na iyon pero itinulak siya ng mama niya.

" Ano ba naman yan..para yan lang ipagdadamot mo sa kapatid mo!" galit na sigaw ng mama niya.

Doon naman pumasok si Yaya. Bitbit ang tray na naglalaman ng pagkaing ipinahanda ni Emily.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon