Ten Years later
Lumipas na nga ang sampung taon.. ngunit wala paring nangyayaring maganda sa buhay ni Merang.
Pagkagising niya nga tuwing umaga, palagi niyang tanong sa sarili..
Para kanino pa ba siya bumabangon?
Bakit kasi hindi nalang siya namatay noon?
Para ba habang buhay na matikman ang lupit ng mundo?
Naroon siya ngayon sa verandah, malayo ang tingin pero wala namang tinatanaw..
Iniisip niya rin..
Nasaan na kaya siya ngayon kung hindi siya noon naaksidente?
'Aksidente nga ba?
Hmp ewan!
Siguro may thrill ang buhay niya ngayon.
May trabaho at higit sa lahat, wala na sa puder ng magulang.
Iyon ang pangarap niya noon para sa kanila ni Yaya, ang magkasamang lisanin ang bahay na ito at mamuhay ng mapayapa sa probinsiya ni yaya.
Pero wala...
Walang nangyari sa mga pangarap niya dahil hindi na siya naglakas loob na ipagpatuloy pa ang pag aaral dahil kung ganun na nga ang ginagawa sa kanya ng mga kamag aral sa high school, ano pa kaya pag nasa college na?.. baka hindi pumasa sa deskription ang salitang 'impyerno' sa maaaring maranasan niya sa kolehiyo. Isa pa, baka wala na siyang makilalang katulad ng Bestfriend niyang si Rodelyn.
Pag naaalala niya ang kaibigan, sobrang nalulungkot siya.
Nasaan na kaya ito ngayon?
" Ohh anak tahimik ka nanaman, hali kana. bumaba ka na doon para makapag almusal, tapos na ang mama at kapatid mo." tawag sa kanya ng yaya niya.
"A sige ya, hihintayin ko nalang po munang maka alis sila. Mahirap na po baka ano namang gawin at sabihin nila pag nakita ako." Malungkot niyang sagot sa katulong.
Naawa siya sa yaya niya. mababakasan na ito ng katandaan. Hindi na ito nakapagasawa dahil siguro sa kanya. Kapag naiisip niya iyon naguguilty siya lalo na at minsan parang malungkot ito at may isang litrato na palagi nitong tinitignan.
Kahit ganito na ang edad ni yaya, andun parin ang kahiligan nito sa pagpapahid ng itim na lipstick.. ni minsan nga parang hindi niya ito nakitang walang bahid ng lipstick ang mga labi.
Pero hindi niya nalang iyon binibigyan ng ibang kahulugan, sadya nga lang talagang may mga bagay tayong kinahihiligan na mahirap ng i let go.
Buhat sa kinalalagyan niya, natanaw niya ang papalabas ng kotse ni Emily, mula sa bakuran nila.
Kasama na nanaman nito ang mama Esmeralda niya.
Napangiti siya ng mapait.
Buti pa si Emily nakukuha at nagagawa ang mga gusto.
Paano bang hindi.?
College Graduate ito sa kursong enginering, ngunit ng marealize nitong wala doon ang hilig, nag aral naman ito sa paris bilang fashion stylist.
Lahat iyon supurtado ng mama niya kahit hindi sang ayon ang papa niya. Wala namang nagagawa ang papa niya kapag nilambing na ito ng kapatid niya.
Pero hindi pa dun nagtatapos dahil wala namang nagyayari sa career ni Emily bilang Fashion Stylist kaya nag modelo nalang ito matapos may mag alok dito ng isang kilalang tao sa mundo ng modelling.

BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasíaTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....