AML - 12

132 3 1
                                    

" Cut! " galit na sigaw ng direktor." ' Ano ba naman itong mga kinukuha mo Tippy, sabi mo magagaling ang mga babaeng ito?' Inis na sumbat ng direktor sa assistang bading."Rondell, Stand by ka muna dun." wika nito sa binata na siyang kaeksena ng babae kanina.

Nakakaintindi naman si Rondell. hindi na bago sa kanya iyon dahil nun pa man may mga na iincounter na siyang ganito. "At ikaw naman hija, sige na tsupi na..hindi mo porte ang pag arte". Inis na sabi ni Direk, paano ba naman pangwalo na tong huling babae na kinuha ni Tippy para nga sa kinukunang eksena with Rondell.

" Direk, ehh yan na po ang mga magagaling na nag audition eh" desmayado ring sagot ni Tippy.. na siyang organizer ng on the spot audition.. dun lang naman sa malapit sa set ng shooting ginagawa iyon..

"Aba! Iyan na ba ang magagaling para saiyo?..naman Tippy, para kang hindi pa sanay sa industriyang ito!..maghanap ka pa ulit..bumalik kayo dun.." utos nito na pinasama pa ang ilang crew." Ka embyerna kasing Emily na iyon..anong oras na wala pa! hindi pa nga nakakapagsimula sa acting career ..lumalaki na ang ulo!" Iyon ang labis na pinagpuputok ng butsi ni Direk.. kailangan na kasi nilang makunan ang eksenang ito dahil bukas, change location na sila..ma ooverdue na sila..malapit na kasi ang premiere night ng ginagawa nilang movie.

Ang hinahanap nila ngayon ay ang gaganap na karibal ng ka tambal ni Rondell na si Marie Connie. Na wala din sa set na iyon kasi nasa hospital ito kunyari dahil iyon ang takbo ng storya.

Si Rondell naman ay medyo nakakaramdam na ng inis. Pero pasensiyoso naman siyang tao kaya pilit niyang iniintindi ang ganitong sitwasyon.

Heto siya ngayon, naka upo. Katatapos lang na i retouch ulit ng make up artist.

Agad na kasi nilang kinukunan ang eksena para madali ng matapos. Pero ang malas ng sitwasyon ngayon dahil maka ilang take na sila ngunit di pa rin mahanap ang perfect girl na gaganap bilang Cassey, kung saan ang rule nito ay mahal siya subalit wala siyang pagtingin dito.

Habang naghihintay siya, marami siyang iniisip na mga bagay bagay.

Ano o saan nga ba siya ngayon kung hindi niya tuluyang pinasok ang pag aartista?

siguro naroon siya sa kumpanya nila at may sariling opisina at bored na bored na naka upo at naghihintay lang ng mga pepermahang papeles?

ayaw niya ng ganuong trabaho..

Gusto niya na eexplore niya ang mundo, hindi yung letiral na mag aaround the world siya. yun bang marami siyang natututunang bagay, maraming nakakasalamuha at napapasaya.

Masakit man sa loob na masissapoint ang ama niya dahil hindi niya sinunod ang gusto nito, itinuloy niya pa rin ang pag aartista. Nangako naman siya dito na oras na magsawa na siya sa ganitong career, tutulong na siya sa pagpapatakbo ng malaki nilang company. Ang mama at kapatid niya namang babae, todo suporta sa kanya. Katunayan ang 17-year-old sister niya pa ang presidente ng fans club niya. Ang kapatid niya din ang kinakikitaan niya ng hilig na magpatakbo ng companya nila.

Mana siguro sa ama nila.

Paano nga ba siya nag simula sa pag aartista?

inalala niya ulit iyon..

3 years ago.

Nasa bar siya noon kasama niya ang matalik at kababata niya na si Leonard Jimenez. Ito ang best buddy niya. Kasama sa lahat ng gimmick at karamay kapag may mga problema siya, mapa tungkol sa GF o pamilya..

habang masaya silang nagkukwentuhan, panay ang pagtinginan ng mga costumer na babae at beki sa pwesto nila..ang ilan nga ay lumalapit at may ino offer subalit tinatanggihan nila iyon, sa part ni Leonard ay may panghihinayang lalo na kung maganda at sexy iyong mga babae..pero hindi iyon ang sadya nila sa bar, gusto lang nilang uminom at magkwentuhan...Hindi nila masisisi kung bakit ganun nalang kung lapitan at magpapansin sa kanila ang mga babae dun.. Sadyang mga gwapo talaga sila at heartthrobs pa noong high school at nung college sila.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon