[ Rondell ]
Matapos nilang makapagbihis ng pang finale saka naman nagsalita ang Emcee..
"..Here we go again, Ladies ang gentlemen.. Ito na ang sandaling pinakahihintay nating lahat.. masasaksihan na natin ang mga ispesyal at limitado lamang na mga damit na gawa ng magagaling na designer ng pilipinas at ng ibang bansa.." masayang anunsiyo ng Emcee.
"Guys, labas na tayo, nagsasalita na ang Emcee. Tatawagin na tayo niyan." sabi ng isang male model na nasa loob din na iyon.
Sumunod na nga sila ni Mark anthony sa paglabas ng mga ito. Suot nila ang ibat ibang disenyo ng mga two piece at three piece suit..
.." Presenting..the main models of Teasian Feidengton Clothing Line...wearing the world class, Elegant and high class gowns and suit.."dugtong pa ng emcee..at nagsimula na ang musika.
Nagtaka sila kung bakit wala pa sa labas ng dressing room ang mga babae.
"Pre' na lock ang mga babaeng model sa dressing room nila." Nasagot ang katanungan niya sa sinabing iyon ng kapwa model. Ang katabi niya ang kausap nito.
Agad siyang lumapit sa pinto na iyon at dinig na dinig niya na kumakalabog sa loob..humihingi ng tulong..Naka lock ang pinto at ang ginamit na kandado ay makapal na bakal at may code pa..
" pre, maghanap kayo nang pamukpok dito..maganda sana kung hammer." Sabi niya sa mga modelong lalaki na nag aalala na din dahil masisira ang daloy ng show.
Nagsipagtakbuban naman ang iba para magbanap ng bagay na sinasabi niya..
[ TESSA ]
.." Presenting..the main models of Teasian Feidengton Clothing Line...wearing the world class, Elegant and high class gowns and suit.." Excited na anunsiyo ng emcee.
'ayan na..nararamdaman ko na ang success.' Excited na sambit niya sa isip.
Inabangan niya ang isa isang paglabas ng mga models..
Subalit napawi ang mga ngiti niya at nakaramdam agad ng kakaiba.
'Bakit ang tagal yata nilang lumabas?'
Ang emcee naman ay panay ang sulyap sa may intrada.. Inulit pa nito ang pagtawag sa mga modelo subalit lumipas ang ilang segundo ay wala paring lumalabas doon.
"Bakit ang tagal?"
"May problema ba, bakit wala pa sila?"
Dinig niyang sabi ng mga investor na nasa kalapit niya.
Tumayo na siya at magpapa alam sana sa asawa na pupunta siya sa backstage subalit iyon naman ang paglapit sa kanya ng kanyang secretary.
May binulong ito sa kanya...
Na shock siya sa nalaman at nilukob ng takot at pangamba ang dibdib niya.
"Excuse me, I think there's a little problem. Please Stay here.." Nagpaalam muna siya saglit sa mga investor at binilin sa asawa na huwag hayaang umalis ang mga iyon..
Nagmamadali pero maingat siyang nagtungo sa backstage at gaya nga ng binulong sa kanya ng secretary, nakakandado ang dressing room ng mga babae. Kasalukuyan itong pilit na binubuksan ng aktor na si Rondell. Gamit nito ang isang martilyo dahil hindi iyon mabubuksan ng basta basta lalo na at may code iyon at magandang uri ng kandado.
Binati pa siya ng ilang modelong lalaki na nag aalala..
Samantala ang choriograher naman na nanonood lang sa baba ay nagtungo na din doon at pagkakita sa senaryong iyon, pasimple nitong sinenyasan ang emcee na lumapit. Doon na nalaman ng emcee kung ano ang nangyayari kaya hindi sila maka usad. Kinausap ito ni Tessa na ito daw muna ang bahala..aliwin daw muna nito ang audience at ipaliwanag na may maliit lang na inaayos..
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasyTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....