Hindi naging gaanong mahirap para ki Merang na makisalamuha sa paaralang iyon.
Iyon ay dahil sa kaibigang si Rodelyn. Pinagtatanggol siya nito sa mga nambubully sa kanya.
Ang paraan ng pagtanggol nito ay ang pagsabihan lang ng maayos ang mga bullies. Hindi kasi ito marunong magalit dahil madiplomasiya ito. Katuwiran nito na madadaan naman daw sa magandang usapang ang ano mang bagay na hindi napag uunawaan.
Kaya tinatanong nito kung ano ang problema kay Merang.
Wala namang maisagot ang mga ito lalo na at hinahangaan din at iginagalang si Rodelyn dahil isa rin itong Modelo at kasama ito sa students council.
Kaya lang sa oras na wala sa tabi niya ang kaibigan saka naman siya pinagtitripan ng mga bullies.
Ang ilan nga ay binabantaan siya na wag magsumbong sa kaibigan dahil kapag ginawa niya iyon gagawa ang mga ito ng paraan para mapatalsik siya sa skwelahang ito.
Syempre wala naman siyang ikwenekwento sa baibigan. Bukod sa hindi siya palasumbong, ayaw niyang mapaalis dito.
Paano nalang ang mga pangarap niya?
MARTES ng araw na iyon.
Mag isang kumakain sa canteen si Merang. May sakit kasi ang kaibigan nito, kaya lumiban sa klase.
Namimiss niya tuloy ang kaibigan.
Tulad ng kinagawian ng mga bullies kapag wala si Rodelyn, Kanya kanyang pan titrip ang ginagawa ng mga it sa kanya.
Ang ilan pinapalipat siya ng upuan dahil pwesto daw nila iyon. Kapag ganun naman hahanap siya ng pwesto.
Tuwing makiki upo siya sa bakanteng upuang katabi ng nakaupo ay agad siya nitong sino shoo na parang nambubugaw lang ng hayop.
Ang malimit niyang mapwestuhan kapag ka ganun ay doon sa malapit sa basurahan.
Doon solong solo siya.
Wala siyang kamalay malay na mas matindi ngayon ang gagawin ng mga ito.
Sa counter ng canteen, may apat na mga dalagitang nag oorder ng makakain habang masayang nag kukwentuhan at nagpapayabangan ng mga kung ano ano lang.
" Finally my dad bought me a latest CP. Look ohh.. "pagyayabang nito na nilabas ang gadget."come on girls lets take a selfie while we're buying." yaya nito sa mga kasama na agad naman nag pose ang tatlo. Ang isa dito ay wari hindi interesado.
Sa isip nito, para cellphone lang?
" Ako naman binilhan ni daddy ng 24Karats na earings. " pagyayabang naman ng isa. "Its so bagay to my ear diba?" Maarte nitong pagsalita habang pinapakita ang hikaw.
"Wow its too expensive Lindsay.. Grabe ang yaman nga ninyo." Manghang mangha naman ang isa.
"I know and i can't wait to have more jewelries." Pagyayabang nito na nisisigurado ng may kasunod pa iyon.
"Tss.." napatirik nanaman ang isang iyon.
Para Jewelries lang?
"Ikaw Tessa, anong bago sayo?" Tanong ng isa sa kanina pa nababanas sa mga kasama.
Siya si Terrese Samantha Zuberano o Tessa sa mga nakakakilala at ka close nito. Late enrolle siya dahil kadarating niya lang fresh from paris. Nagbakasyon.
" wala naman.. binilhan lang ako ni dad ng kotse." bored nitong sagot.
"Wow.. Why aren't you look excited?" tanong ni Chealsea.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasyTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....