(14)

3.8K 36 7
                                    

(14)

 

 

[Nikka’s POV]

*BOOOGSHH

“Aray ko pooooo!” Napapikit ako at napahawak sa may likod ko.

Huhuhu! Nahulog ako sa kama! TAE! Ang sakit! Nasabi ko ba sa inyong magulo akong matulog? Sabay ng pagkakahulog ko sa kama ay may nagsibagsakan din sa mukha ko. Yellow stuff toys. Mga simpsons dolls!

Umupo ako sa sahig at hawak ko pa rin yung likod ko pati yung ibang simpsons dolls na nahulog din. GOSH! Napatingin ako sa kama, ang daming simpsons dolls! Iba’t ibang size at itsura pero simpsons sila lahat. Ang cute! *o*

Tumayo na ko at umupo ulit sa kama. Binalik ko yung mga simpsons dolls na nahulog at pinagtabi tabi ko sila. Gusto ko sanang bilangin kung ilan silang lahat pero tinamad ako. Ang dami kaya! Nasa 20 plus siguro ‘to. -_- Adik talaga si Yong Hwa baby sa simpsons. HAHA! Opo, adik siya sa simpsons kaya ako kahit di ako nanonood nun medyo trip ko na rin sila dahil kay baby. Cute din naman kasi sila. And you know what? Dahil rin sa simpsons kaya naisipan ni baby ang magpablonde noon. Lol :)) Pero black hair na ulit siya eh. :”>

Napatingin naman ako sa kamang inuupuan ko. GOSH! Dito talaga ko natulog? Dito ko nahiga? Dito ko….dito sa kwarto ni Yong Hwa baby?! *u* Yung king size bed niya, color black tas yung comforter niya color white. Inikot ko na yung paningin ko. WOW! Ang laki ng kwarto niya. Malinis at simple. Sa bedside table nandun ang lampshade at alarm clock na simpsons design. -.-“ Sa may side may tatlo siyang gitara na nakalagay sa stand. Isang black, white at blue. Ang gaganda! Medyo familiar nga sila eh. Siguro lagi niya ‘tong ginagamit at mga favorite niya. Sa tabi nun ay isang mahabang table na may kung ano, panggawa siguro ng kanta? Basta ganun tas may piano din sa ibabaw ng table at laptop sa kabilang side. Sa may taas ng table ay may bintana na pumapasok yung liwanag. May curtain na kulay puti at pabilog yung shape ng bintana. May isa rin siyang upuan, na nasa may tabi ng mga gitara niya. Upuan na nakaupo yung isang malaking simpsons doll. OMG! Ang cute talaga! Ang laki laki! Sa kabilang side naman ng kwarto may malaking cabinet na may leopard design at dressing table na may salamin. Yung design ng wall niya? Simple lang, white and blue naman ang pinaghalong kulay. In short, ang ganda, linis at bango ng kwarto ni baby ko! *o*

Tumayo na ko kahit masakit pa rin yung likod ko at inayos ko na yung kama niya. Pumunta ko sa may dressing table at tinignan ko yung itsura ko. Maganda pa rin naman. Lol! Pero wala eh, bagong gising pa rin talaga yung dating ko. Kung lalabas ako at makikita nila ko, nakakahiya!

CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon