(33)
[Nikka’s POV]
Anong oras na rin pero nandito pa rin kami sa sala at nagdadaldalan. Di pa rin mawala sa isip ko yung topic kanina na meron na nga daw ‘someone’ sina Jung Shin at Min Hyuk. Nakakaloka! Si Jung Shin ko meron ng someone? NOOOOOO!!! T.T
Nagulat na lang ako dahil pagbalik ni Jong Hyun galing sa kitchen ay nakatopless ang mokong. Waaaaa! Ang macho naman niya! Ang puti na, ang kinis tapos ang laki pa ng katawan. Goodness! Anong nakain nito at nakatopless siya? Kroo kroo~
“(Jong Hyun! Magdamit ka nga!)” Sigaw ni Ynnah sa kanya. Sus if I know gustung gusto niya yung nakikita niya ngayon.
“(Naiinitan ako, Koibito…)”
Wait. Ano daw? Koibito?! Hahahahahaha! Japanese term pa talaga ang napili niyang itawag kay Ynnah ha.
“(Dun ka na sa kwarto mo tapos lakasan mo na lang yung aircon!)”
“(Ay nako, Ynnah. Masanay na kayo ni Nikka kasi yan si Hyung mahilig talagang umikot dito ng nakatopless. Ngayon nagpapakita na rin siya sa inyo kasi di na siya nahihiya.)”
“(My Loves naman eh!)”
Tumayo si Ynnah at hinatak ni Jong Hyun papunta sa kwarto niya. Hala! Sana makapagpigil ang lokang yon. Hihihi!
“(Bakit ka nakangiti?)”
“Huh?” Nakangiti ako? Natawa kasi ako sa inasta ni Ynnah eh.
“(Mas maganda katawan ko dun kay Jong Hyun noh! Tss!)”
Napataas naman ang kilay ko kay Yong Hwa Baby. Anong akala niya, trip ko yung katawan ni Jong Hyun? Excuse me, hinahangaan ko lang yun. Hoho!
Di ko yata siya sinagot kaya tumayo na lang siya at pumasok sa kwarto niya. Tampo na naman, gusto ulit nun na suyuin ko siya pero mamaya na lang. Tumingin ako kina Jung Shin at Min Hyuk na nagsisikain ulit.
“Jung Shin…”
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...