(44)
[Nikka’s POV]
Haharap na kaya siya ng tuluyan sa’kin? Kakausapin na ba niya ko? Magkakaayos na ba kami? Yong Hwa Baby…please humarap ka at kausapin mo ko… :’(
TSUG!
Nagulat kami pareho sa biglang kalabog ng pinto kaya napaharap tuloy ng tingin si Yong Hwa Baby imbis na lingunin ako.
“(Oy, Nikka! Yong Hwa! Nandiyan na pala kayo, tara na!)”
Takte naman Ynnah! Ngayon ka pa sumulpot! Ganda ng timing mo eh, masasapak ko talaga ‘to kung hindi ko lang siya kaibigan eh. Baka ihulog ko pa siya sa ground floor pagnagkataon!
Napansin ko naman na tumango si Yong Hwa Baby kay Ynnah tapos naglakad na siya at hindi na ko nilingon pa. Pag pasok naman niya sa room nila nagsimula na kong maglakad ng mabilis papunta kay Ynnah na nakatayo pa rin sa harap ng pintuan ng room namin. Nakangiti pa ang loka. Ay nako!
“Bruha ka talaga!” Salubong kong sigaw sa kanya nang makalapit ako.
“Oh bakit anong ginawa ko?”
“Kabute ka ba? Bigla bigla ka na lang sumusulpot! Wrong timing ka eh!”
Tumalikod na ko kay Ynnah at papasok na sana sa room namin ng bigla siyang humarang sa pintuan.
“Hep! Hep!”
“Ynnah ano ba?! Kabute ka ba talaga?!”
“Sorry na okay? Malay ko ba? Tsaka bakit ka dito papasok sa room natin? Dun tayo sa kanila magdidinner!”
“Baka pwedeng magbihis muna ko? Kanina ko pa suot ‘to, kamusta naman amoy ko diba?”
“Okay lang yan! Di ka pa naman mabaho eh! Hahahaha! Tara na inaantay na nila tayo!”
Wala na kong nagawa pa dahil hinatak na ko ni Ynnah. Kaya ko naman talaga gusto magbihis ay para matakpan ang tuhod kong may gasgas dahil sa pagkabunggo sa’kin kanina. Nakapalda lang kasi ako at alam kong kitang-kita yung gasgas. Argh! >.<
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...