Why did I have to choose the most popular band in the world to fall in love with?
______________________
(60)
[Ynnah’s POV]
It’s already May. Ang bilis ng panahon. Nakailang lipad na rin kami para sa world tour ng CNBLUE. Ang saya-saya pala kahit nakakapagod.
“Ynnah ano ba yan! Nakahilata ka na naman diyan.” Salubong na bati ni Nikka pagpasok niya ng room namin dito sa FNC. Umalis ang loka na yan at di ko alam kung saang lupalop siya nanggaling tapos ngayon ang ganda ng bungad niya sa’kin.
“Problema mo ba? Nakakapagod kaya.”
“Itsura mo. Umalis ako dito, nakahilata ka. Ngayong nakarating na ko, nakahilata ka pa rin. Kumain ka na ba?”
“Oo naman. Pinagdalhan nga nila ko kanina dito e.” Tumaas ang kilay niya at lumapit sa’kin.
“Nasaan nga pala ang boys?”
“Umalis. Nagpabili ako ng cake.”
“WHAT?! Silang apat umalis para lang bilhan ka ng cake?!” Nanlalaki ang mga mata niya at halatang gulat sa sinabi ko.
“Ewan ko. Si Jong Hyun My Loves lang naman sinabihan ko pero sumama rin yata yung tatlo e.”
“Tss. Imbis na pinagpahinga mo sila ngayon, inutusan mo pa. Nakakailang cakes ka na, para kang naglilihi.”
Tumayo na si Nikka at pumasok na ng CR. Hindi ko man lang natanong kung saan siya pumunta. Nag-uumpisa na naman siyang kumilos mag-isa e. Nang maayos na niya ang world tour ng boys, may kung anong inaayos na naman siya. Sa tingin ko lang naman dahil tuwing pagbalik namin dito sa Seoul, aalis siya at ang sasabihin lang niya ay may aayusin lang siya.
Wait. Anong sabi niya? Para kong naglilihi? Nagpapatawa ba siya? Pano ko maglili---- O________O WHAT?! Oh no! Hindi ako buntis noh! Imposible yon! Sa isang gabi lang, buntis na agad? >.<
Tumayo na ko at mabilis na nagpalit ng damit. I’ll just ignore what she said. Kinuha ko ang laptop ko bago lumabas ng room namin. Hindi na ko nagpaalam pa kay Nikka.
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...