(19)

3.4K 36 1
                                    

(19)

[Nikka’s POV]

Takbo…

Takbo…

Takbo…

Argh. Saan ba ko pupunta? Hingal na hingal na ko. WAAAAAA! Naman kasi eh! Bakit kailangan ko pang makita yon? >.<

Umupo muna ko sa bench na nakita ko. Grabe! Pinagod ko lang sarili ko sa kakatakbo eh. Sana pala nilapitan ko na lang sila kanina tapos inaway ko. Tss! Kelan ba ko naging weak? Ewan ko ba, nung nakita ko yun kanina parang guguho yung mundo ko. Nakakaasar! Nakakabwisit! Nakakainis! Ang sarap manapak! Ang sarap manggulpi!

Hinawakan ko yung mukha ko at naramdaman kong basa yun. Umiyak ako? Bakit? Siguro nga kasi nasaktan ako. Eeeeh! Pinunasan ko na lang yung mukha ko at pinagmasdan na lang yung mga nadaan. I checked my phone, hala malapit na pala mag-8pm. Nagugutom na ko pano ba naman huling kain ko ay yung kaninang breakfast pa.

Nagstay pa muna ko dun ng ilang minuto pa. Nung naramdam ko na talagang kumakalam na ang sikmura ko tumayo na ko at naglakad para umuwi. Tae! Bahala na kung andun pa yung babaeng yun. Bahala na kung makita ko ulit sila. Bahala na. Pagbuhulin ko pa sila eh! >___<

Ang layo rin pala ng tinakbo ko kanina? Tss. Ang sakit na ng paa ko. Pinipindot ko na yung elevator pero hindi pa rin nagbubukas. Halos masira ko na nga yung button kakapindot pero ayaw pa rin. OMG! Don’t tell me sira ‘to?!

Maya-maya may nakapansin na yata sa’kin na pindot ako ng pindot kaya nilapitan ako at kinausap.

“(Excuse me, Ma’am. The elevator is currently in maintenance. Sorry for the inconvenience. Please use the stairs for now.)”

Nanlaki naman yung mga mata ko. WHAT THE EFF?! Ang layo ng tinakbo ko, ang layo ng nilakad ko pabalik tapos papaakyatin pa nila ko sa hagdan?! For pete’s sake! Nasa tuktok ang room namin! Fudge!!

“(Uh.. I see. Okay, thanks for the info.)”

Umalis na yung kumausap sa’kin at ako? Pumunta na sa may hagdan. Huhu. Ilang pounds na kaya nabawas sa’kin? Opo, gusto kong pumayat pero wag naman ganito. Sobra na. Stressed at depressed na nga ako tapos papahirapan pa ko. Naman kasi! Kasalanan niyong dalawa ‘to! Kapag nakaakyat na ko at nakita ko kayo makikita niyo!!!

CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon