A/N: Okay hello there, @Patricia_Jung! This chapter is for you naman dahil bukod sa sinabihan mo kong magdedicate din sayo (LOL), ay natuwa rin naman ako sa comment mo. Haha! Thank you, dongsaeng! ^^
"If you want to know the pain and happiness of a relationship without actually being in one, fall in love with a k-idol."
_________________________
(56)
JAPAN~
[Nikka’s POV]
Habang naglalakad kami ni Yong Hwa Baby ay magkahawak ang aming mga kamay. Buti na lang madaling lambingin 'to. Huminto kami sa harap ng suite namin ni Ynnah.
"(Just call Ynnah. Tapos sumunod na kayo sa rooftop, I reserved it.)" Then he winked.
Nagpoprocess pa sa utak ko ang mga sinabi niya ay naglakad na siya palayo. Ano daw? Sa rooftop?! Nireserve niya? Ay sosyal! ^____^
Buti na lang din hindi siya pumasok sa suite namin ni Ynnah. Hindi ko nga pala natago ang mga regalo. Pumasok na ko at naabutan kong nagbabalot ng mga regalong binili niya si Ynnah.
"Uy sa rooftop daw tayo." I told her. Lumapit ako sa damitan ko at naghalungkat.
"I know, nasabi na sa'kin ni Jong Hyun My Loves kanina. Wait lang nagbabalot pa ko." Sagot niya na hindi lumilingon.
Hindi na ko sumagot at umupo na muna sa dressing table. Sinimulan kong ayusan ang sarili ko. Pagkatapos ko'y tapos na din si Ynnah sa ginagawa niya. Dahil di ko naman siya masyadong tinignan kanina, ngayon ko lang napagtanto na nakapag-ayos na pala siya. Nagbihis na kami at naghakot na ng mga dadalhin namin sa rooftop. Siyempre may mga pagkain din kaming hinanda. Maya maya ay may kumatok at pumasok na. De-code lang din kasi ang mga suites dito.
"(Hi! Pinapasundo nila kayo, ang tagal niyo daw e.)" Sabay kamot ng ulo ni Min Hyuk.
"(Wow! Ano yan? Mukhang masarap ha!)" Lumapit si Jung Shin sa mga nakalapag na pagkain. "(Pero sana di na kayo nag-abala, ang daming pagkain dun sa taas e.)"
“(Okay lang yan. Bakit kayo pa pumunta dito? Eh yung dalawa anong ginagawa?)” Tanong ni Ynnah at nag-umpisa ng kuhanin ang mga pagkain na tinulungan naman ni Min Hyuk.
“(Ewan ko ba sa dalawang yun, di magkasundo sa gagawing ayos dun sa taas e.)” Sagot ni Min Hyuk.
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...