A/N: Dedicated to @bhellbalboa! Natuwa ako sa mahaba niyang comment to the point na shinare ko pa talaga sa twitter account ko yun. Haha! Gomawo, dongsaeng! Cheers~
"I'm not his fan... I'm his WIFE."
______________________
(55)
JAPAN~
[Nikka’s POV]
“Nikka Mae!”
“…”
“Huy! Nikka!”
“…”
“Nikka!” Nilingon ko naman si Ynnah. Ang tinis talaga ng boses ng babaeng ‘to!
“Ano ba? Ang ingay mo, mag-eeskandalo ka pa eh.” Sabay lakad ko ulit.
“Naman kasi! Ano bang ginagawa natin dito? Kabisado mo na ba ‘tong Japan? Alam mo ba way natin pabalik sa hotel? Baka maligaw lang tayo!” Patuloy na pag-aalburoto niya.
“Sa Korea nga nagawa nating hanapin ang dapat mahanap, kaya rin natin dito. Di tayo maliligaw. Psh!”
“Palibhasa ikaw marunong magjapanese. Ano bang gagawin natin dito sa mall? At tinakasan pa talaga natin ang boys sa hotel.”
I looked at her and just smile. Nasa isang mall kami dito sa Japan. Maaga pa at wala namang nakaschedule ang CNBLUE ngayon. It’s already December 24 here kaya di ko sila pinalagyan ng work ngayon hanggang bukas dahil gusto kong makapagcelebrate kami ng Christmas, kahit kaming anim lang. At ngayon ay gusto kong mamili ng maireregalo ko sa kanila.
Naglakad lakad pa kami para mamili. Kung anu-ano lang ang pinili namin. Sana magustuhan pa rin ‘to ng boys. Gusto rin sana namin mamili ng mga pagkain pero sa hotel nga lang pala kami nagstastay. Naupo muna kami ni Ynnah dahil halos dalawang oras na kami paikot ikot. Ang sakit na sa legs.
“Ynnah, saan tayo magcecelebrate? Di naman tayo makakapagluto sa hotel e. Ang boring din naman kung magdamag tayong nandun lang bukas.”
“Para mamayang midnight, bili na lang tayo ng food. Tapos bukas, hmmm…” She paused for a while. "Punta na lang tayo sa isang park. Yung tahimik at kahit tayong anim lang, alam mo naman na di tayo pwede sa mall tapos ang sweet natin sa kanila. Kilala kaya sila dito sa Japan." Saad ni Ynnah kaya napaisip ako.
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...