"Thinking of your bias... Every. Single. Second."
______________________
(52)
[Ynnah’s POV]
“Ay! Pano ba kasi? Ano bang magandang ilagay ko dito?” Naiinis kong tanong.
“Aba! Problema mo yan. Ikaw ang publicist. Ginusto mo yan.” Supladang sagot ng mabait kong kaibigan.
“Naman eh! Couldn’t you just help me?”
“Hoy hoy hoy! May inaasikaso din ako dito noh.” Sagot niya habang nakatingin sa laptop niya.
“(Are you quarreling?)”
Napatingin na lang kami pareho sa pumasok. It’s Min Hyuk. Para siyang nagtataka at nag-aalala at the same time.
“(No, we’re not.)” Umupo si Nikka mula sa pagkakadapa. “(Ano ng nangyari sa inyo? Okay na ba practice niyo?)” Tanong niya.
“(Medyo. Sabi kasi nila puntahan ko kayo, panoorin niyo kami kasi kailangan din namin ng suggestions niyo.)”
“(Ganun ba? O sige.)” Tumayo na si Nikka at lumapit kay Min Hyuk.
“(Susunod na lang ako.)” They both nod at lumabas na.
Humiga na muna ko at huminga ng malalim. It’s been a month, patapos na ang October. Sanay na kami ni Nikka sa trabaho namin, siya bilang manager at talent agent at ako bilang publicist. Madali lang naman talaga ang trabaho ko, pero ngayon naloloka ko sa ginagawa ko. Nasusunod ang mga plano ni Nikka dahil mid-November ay balak talaga niyang magkaroon ng comeback ang CNBLUE kaya sobrang aligaga kami sa pag-aasikaso.
Naguguluhan kasi ako kung anong pwedeng ilagay sa isang blog para makuha ang atensyon ng mga tao para sa comeback nila. Iniisip ko rin kung ano at kelan sila pwede magtweet tungkol dito. Kung kelan pwede inannounce sa mga tao ‘to para maayos ko na ang presscon at interviews.
Ginulo ko ang buhok ko. Nakakaloka talaga. Maganda siyempre ang comeback song nila. Composed by Yong Hwa pero ang ginawa ay lahat sila may part sa song pero mostly ay kay Yong Hwa pa rin. Okay na at narinig na rin nina President Han at Director Kim. Pumayag na rin sila sa comeback na ‘to. Nakausap na rin sila ni Nikka tungkol sa album, kapag naging maganda ang resulta ng comeback na ‘to dun makikita kung pwede magkaroon ng album launch. May nakuha na kaming promoter, sponsors, director and producer para sa gagawing music video ng kanta nila.
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
Fiksi PenggemarCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...