(26)
[Nikka’s POV]
After ng final rehearsals nila bumalik na muna kaming lahat sa backstage dahil may 2 hours pa naman sila para magpahinga na muna.
“(Boys, mag-umpisa na kayong mag-ayos ng mga sarili niyo okay?)”
Tss. Parang ang suplado talaga ng producer nilang ‘to. Ewan ko ba, hindi ko siya feel eh. Feeling ko nga naiirita siya sa presence namin ni Ynnah. Siguro bading ‘to. >.< Sinabihan muna namin silang kumain at binigay namin yung mga niluto namin ni Ynnah. Kumain naman sila. Siyempre sarap na sarap sila. Hohoho!
Pagkatapos kumain pinaupo na muna nila kami sa couch habang nag-umpisa na silang umupo sa mga dressing table nila para magpaayos mula sa buhok, mukha at damit.
Kami naman ni Ynnah tinitignan lang sila. Ang gwapo talaga nila, hindi nakakasawang pagmasdan. *o* Pero dahil ang panget naman kung pagmamasdan lang namin sila kaya kumuha muna ko ng magazine na nakita ko sa gilid. Sumandal ako at nagcross legs then pinatong ko sa lap ko yung magazine at nagbasa na.
Maya maya lang din dahil sa peripheral vision ko napagtanto kong nakatingin sa’kin si Yong Hwa Baby. Iniangat ko ang ulo ko at tama nga ako. Nakatingin siya mula sa salamin. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ko siya ng ‘what’ look pero hindi niya ko sinagot. Pinahinto niya yung nag-aayos ng buhok niya tapos tumayo siya. Naglakad siya papunta sa’kin at huminto sa harap ko.
Sobrang tingala na ko dahil ang lapit niya tapos nakaupo pa ko at siya nakatayo. Ang seryoso ng mukha niya, hindi maipinta kung anong gusto niyang iparating. He leaned forward. Ang lapit na ng mukha niya sa’kin at hindi na talaga ko makagalaw. I can feel his breath so alam kong siya rin ramdam na ang paghinga ko. He’s just an inch away from my face. Waaaaaa! Why is he doing this to me?! Aatakihin na yata ako sa puso dahil sa gwapong lalaking ‘to eh!
“(Sit. Up. Straight. Don’t cross your legs.)”
Lumayo na siya sa’kin kaya bumalik na ulit sa normal ang paghinga ko. Umupo na ulit siya sa dressing table niya at ako? Napalunok na lang. Umayos na ko ng upo. What’s with him? Yung mukha nina Jong Hyun, Min Hyuk, Jung Shin ko pati na rin yung staffs puno ng pagtataka sa ginawa ni Yong Hwa Baby eh.
“Conservative much?” Napalingon naman ako kay Ynnah at kumunot ang noo ko.
“Huh?”
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...