“The hardest thing in being a fangirl is when you fall deeply in love with your bias.”
_______________________
(48)
[Nikka’s POV]
Ilang minuto na kaming nakaupo dito. Ang ingay nila talaga. Nakakatuwa rin naman kasi para silang magkakapatid. Dumadaldal na rin si Yong Hwa Baby at nakikipagtawanan sa kanila. Sa tuwing ngumingiti o tumatawa siya hindi ko maiwasan na titigan siya at ngumiti rin. Hindi niya alam kung gaano ko kagustong makita siyang masaya. His smile is priceless.
Hindi naman ako nagsasalita at nakikitawa lang sa kanila. Nagsusulat lang ako sa notebook. Masaya na kong nagdadaldalan sila at kasama nila ko. Aba minsan lang yung mapapaligiran ka ng mga gwapong nilalang noh tapos mga sikat pa! Naman kasi eh, kanina pa wala sina Ynnah. Nasaan na kaya sila? Nagsolo na kaya yon? Hala! Baka naman umuwi na sila?
“(Truth or dare tayo!)” Napatingin naman ako kay Jae Jin dahil sa naisipan niyang gawin.
“(Sige maganda yan!)” Uh oh.
“No!” Sigaw ko na lang bigla. Nagtinginan sila sa’kin at nagtataka.
“(Bakit naman? Okay nga yon para yung mga secret na meron ang isa’t isa ay lumabas.)” Napatingin naman ako kay Jong Hoon. Great, ibang klase rin mag-isip ‘tong nilalang na ‘to.
“(Boring.)” Sabay lipat ko ng tingin kay Yong Hwa Baby. Yun! Ayaw niya rin nung laro, siguro naisip na niya yung gustong mangyari ni Jong Hoon.
“(Tsaka kasi mahirap. Dapat nakabilog tayo hindi ganito. At isa pa, wala pa sina Jong Hyun at Ynnah.)” Palusot ko.
“(Oo nga. Wait may naalala ko.)” Tinginan naman kaming lahat kay Jung Shin. “(Jong Hoon Hyung, ano nga palang sagot mo sa tanong ko nung nakaraan sa’yo?)”
Napatigil ako. Naging seryoso rin ang mukha nila lalo na si Jong Hoon. Then Jung Shin smirk. Errr! Ang bad boy niyang tignan pero ang pogi talaga!
“Jung Shin.” Gusto ko siyang pigilan. Baka kung saan pa mapunta ang binuksan niyang usapan.
“(Anong tanong mo sa kanya? Para makarelate naman kami. Hahahaha!)” Basag ni Hong Ki.
“(Sige na nga, itatanong ko na rin sa inyong lahat. Pano halimbawa hindi niyo namamalayan may nasira na pala kayong relasyon, anong gagawin niyo?)” Seryoso niyang tanong.
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...