The only thing that stands between my bias and I is reality.
_____________________
(61)
Part IV
[Nikka's POV]
Napabuntong hininga sila at napayuko. Ilang minuto kaming tahimik. Kinakalkula ang bawat pahayag ko. Napigilan ko na rin ang pag-iyak ko. Pero alam ko rin naman na sasang-ayon sila sa’kin para sa kaligayahan ko. Sana... Sana nga.
“Osya. Ano pa bang magagawa namin? Hindi ko rin alam kung anong gagawin e.” Tumawa na si Mama at niyakap ako. “Ayaw naman naming pigilan ang kasiyahan mo. You’re my strong baby girl. Alam kong kakayanin mo ang lahat kaya tama na ‘tong drama natin. At diba sabi ko naman sa’yo, gusto ko talagang mameet yang CNBLUE upang pasalamatan sila? Ay nako, Anak. At siyempre naman, we will love your boys.”
“Basta, Anak. Nandito lang kami. Kung anuman ang desisyon mo, sige susuportahan ka namin. Matalino ka naman at mahaharap mo yang lahat. At alam mo bang proud pa rin naman kami sa’yo. Ang layo na ng narating mo. Ang hirap iimagine nun pero nagawa mo. Good job pa rin, Anak.”
“WAAAAAAA!!! Siyempre naman po. Ako pa ba? Thank you po, Mama, Papa. I love you!”
Niyakap ko sila ng sobrang higpit. Oh Lord, thank You po talaga! Kakaibang saya ‘to, yung okay na sa parents mo ang lahat. Nakakatuwa, sobra. At yung malaman mong, susuportahan ka nila at mahal ka nila.
“Tara na nga sa loob, hinihintay ka na panigurado nung dalawang gwapo. Tsaka para makakain ka na. Tara na.”
Pumasok na kaming tatlo na magkakaakbay. Naabutan namin sa dining table sina Ate, Yong Hwa Baby at Jung Shin. Magkatabi yung dalawa at sa harap nila si Ate. Kumakain na sina Ate at Jung Shin pero si Yong Hwa Baby ay tinitignan lang sila. Lumapit kami at umupo naman ako sa tabi ni Yong Hwa Baby. Gulat siyang tumingin sa’kin. Nginitian ko lang siya.
“Hi, Boys!” Sabay hawak ni Mama sa balikat nung dalawa. “O, Yong Hwa! Bakit hindi ka pa kumakain? Masarap akong magluto. O eto.” Ipagsasandok na sana ng kanin ni Mama si Yong Hwa Baby.
“No, Ma. Yung spaghetti bigay mo sa kanya. Paborito niya yon.”
“Ah ganun ba? Kaya pala nagpaluto ka. O eto o.”
Nilagyan niya sa plato ng spaghetti si Yong Hwa Baby. Hindi na nakapagsalita pa si Baby dahil nagulat siya sa kinilos ni Mama. Natatawa na lang ako. Si Papa ay umupo na sa pinakagitna at natatawa na lang din. Pagkatapos lagyan ni Mama ang plato niya ay umupo na rin siya sa tabi ni Ate. Nagsikain na rin kami.
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...