(23)
[Nikka’s POV]
Nagising ako ng makaamoy ako ng mabangong ulam. Nag-inat muna ko at tumayo na. Mukhang nagluluto si Ynnah. Yum! Yum!
Pumunta muna ko sa CR at nag-ayos tsaka ko dumiretso sa mini kitchen namin. I was right! Nagluluto nga si Ynnah pero pagtingin ko sa lamesa ang dami ng nakaluto.
“Hoy! Bakit ang dami mo naman yatang niluto masyado? PG much, te?”
“Ganda ng good morning mo sa’kin ha. Psh! Hindi lang atin yan, wag ka ring feeling na pinagluluto kita.”
“Eh kung sapakin kita?”
“Eh kung hindi kita bigyan?”
“Hehe! Kaw naman di ka na mabiro.”
Umupo ako sa dining chair habang inaamoy yung mga pagkain na nakahain. Nakakatakam!
“Ang aga mo yatang nakatulog kagabi? Tsaka bakit ka tumakbo nun?” Huminto siya sa pagluluto at umupo sa may harapan ko at tinignan ako ng mabuti. “Anong ginawa niyo sa kwarto ni Yong Hwa? Ha? Ha?”
“Tss. W-wala noh! Wag ka nga. Magluto ka na lang.”
Uh-oh. Naalala ko na naman yung kagabi. Nakakahiya man but that’s my first kiss. He’s my first kiss. HEAVEEEEEN! *o* Nakatulog pala ko kagabi kahit di ako mapakali kakaisip dun at kahit pagulong gulong pa ko sa kama. Pero…pero anong dapat na maging reaksyon ko kapag nakita ko si Yong Hwa Baby? Should I act normal na kunyari walang nangyari? Argh.
“Korni mo.” Tumayo na si Ynnah at nagluto na lang ulit. “Mabuti pa ayusin mo yang mga pagkain. Lagay mo sa tupperware.”
“Huh? Bakit?”
“Pupuntahan natin ang boys ngayon. May rehearsals sila kasi may performance sila bukas dito sa Seoul. Parang mini concert. Dadalhin natin sa kanila yang mga niluto ko.”
Oh? Hindi ko alam yun ha. WAIT! So magkikita kami ni Baby ngayon? Waaaaaa! What should I do?! >.<
“Ahh.. Okay.”
Inayos ko na yung mga pagkain at after magluto ni Ynnah kumain na rin kami ng breakfast at nag-ayos na kami. Hindi ko pa rin mapakalma ang sarili ko knowing na magkikita kami ni Yong Hwa Baby ngayon. I’m going crazyyy!
Nagtaxi kami at ako ang nagbayad. Hindi na ko umalma pa kay Ynnah kasi tama naman siya, siya na nga daw ang nagluto at gumising ng maaga kaya ako naman daw magbayad ng pamasahe namin. -___-“
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...