She loved a boy. He didn't know but she couldn't let him go. She screamed his name but he didn't hear. She tried again once every year. She cried once more as he stood and bowed because she was just another girl in the crowd...
_______________________
(63)
[Ynnah’s POV]
Around 7am ay gising na kami ni Nikka. Ewan ko ba, sobrang late na kaming natulog pero ang aga pa rin naming nagising. Two hours and 30 minutes lang yata ang tulog namin pareho. Ang boys ay hinayaan muna naming matulog dahil mapapagod lang yang mga yan mamaya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na may paganun ganun pa pala ang mga pamilya namin. Reservation? Kahit 5 hours lang yun, alam kong sobrang mahal na nun. Hello? Enchanted Kingdom at Splash Island yon!
“Uy! Inaantok ka pa yata e! Natatapon na yan o.”
Hala! Natatapon na nga yung asukal na nilalagay ko sana sa baso. Tss. Nasa kitchen kami ni Nikka. Inaayos na namin ang mga pagkain na pwede naming dalhin, marami pa ngang handa kagabi na hindi naubos e.
“Nikka, bakit parang bumubukas yung gate? May tao ba?” Tahimik lang kasi kami kaya kahit anong kaluskos ay rinig.
“Yung ibang maid lang na naiwan tsaka yung dalawang guard. Chill ka lang, ang aga aga tinatakot mo sarili mo.”
“Hindi mo ba naririnig? Parang---”
“WAAAAAAA-----”
“Sssshhhhh! Hahahahahahaha!”
Nagulat na lang kami ni Nikka nang may yumakap sa’min mula sa likod. Pasigaw na kami pero tinakpan nila ang bibig namin sabay hagalpak ng tawa. Habang tumatawa pa sila ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. That made me freaking scared! Rinig ko pa rin ang mga tawa nila at naunang nakabalik si Nikka sa sarili kaya siya ang unang humarap sa kanila. Omaygad. Are they trespassers? Hostage takers? Murderers? Paparazzi? Media? Sasaeng fans? O_____O
“(What the---?! Ang aadik niyo! Anong ginagawa niyo dito? Paano kayo nakapunta dito? Kelan pa kayo dumating? Sinong kasama niyo? Takte! Ginulat niyo naman kami e!)”
“(Nakakatawa naman kayo. Hahahahaha! Relax lang.)” A familiar voice.
“(Lagot kayo! Si Ynnah nanigas na. Hey, Ynnah. Sorry about that.)” Halos tumayo ang mga balahibo ko ng may humawak sa magkabilang braso ko pababa sa kamay ko at dahan dahang iniharap sa kanya. “(Kami lang ‘to. FT Island.)”
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...