(66)

1.8K 33 12
                                    

"Dreams are like stars. You may never touch them but if you follow them, they will lead you to your destiny."

_____________________

(66)

[Ynnah’s POV]

 

Kanina pa ko nakaupo dito. Inaantok na nga ako pero hindi naman ako pwedeng matulog. Nagugutom na nga ako kaso nagpapractice pa ang boys. Nasa Araneta kami at nakaupo ako sa lowerbox section. Wala lang, napagtripan ko lang. Ang CNBLUE ay siyempre nasa stage kasama sina CEO Han, Nikka, Director Kim at ang ibang staffs. Ang FT Island, AOA at N. Flying ay nasa VIP section at nanonood lang din sa kanila o kaya nakikigulo din.

Si Nikka ay nasa stage at nakikigulo. Napasimangot na lamang ako dahil alam kong may balak yan idagdag sa concert bukas. Maliban nga kasi sa CNBLUE, may tatlong grupo pa at alam kong di niya sasayangin ang pagkakataon na nandito sila. Gagawan niya ng paraan para magkaroon rin ng performance ang FT Island, AOA at N. Flying. Okay lang naman sa’kin kaso magmumukhang unfair na talaga sa ibang bansa dahil ibig sabihin nun ay mapapahaba ang concert performance dito sa Philippines, e tatlong araw na nga ang concert e. Sa bagay, the day after tomorrow ay babalik na rin naman sila sa Korea.

Kinuha ko ang phone ko at nagdial.

[“Hoy Ynnah! Ano bang ginagawa mo diyan? Bumaba ka nga dito!”] Nailayo ko naman ang phone ko sa tenga dahil sigaw agad ni Nikka ang natanggap ko.

“Makakagulo lang ako diyan. Tumawag ako para tanungin kung pwede na ba tayong kumain dahil ---”

[“Bumaba ka muna dito! Pasaway! May sasabihin rin ako sa’yo. Dali bumaba ka na!”] Sabay end call niya.

Napabuntong hininga naman ako. Ang ganda ganda na nga ng pwesto ko e. Pero napangiti na lamang ako ng mapansin kong bumababa ng stage si Nikka. Bruha talaga siya. Halatang halata ko siya kanina sa mga kinikilos niya. She has this weird moves that I can understand. At pagkakitang pagkakita ko pa lang sa kanya kanina ay alam ko na. I know something already happened between her and Yong Hwa. What a birthday gift!

Tumayo na ko at dahan dahang bumaba. Malayo layo rin pala ‘tong lowerbox. Kailangan ko pang lumabas at umikot. Pagdating ko naman dun ay patuloy sa pagpapractice ang boys at bigla na lamang akong hinila ni Nikka sa gilid.

“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.” Salubong niyang saad sa’kin.

“Paano ako maniniwala e hindi ko pa nga alam yang sasabi-- Aray!” Bigla na lamang niya kong kinurot sa braso. “Joke lang e. Ano ba yang sasabihin mo?”

CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon