A/N: HEP! Uulitin ko po muna bago niyo basahin ang chapter na 'to. I'm not a hater, okay? And hey, fiction lang po 'to. Hihihi! Yun lang. Eto kasi pumasok sa isip ko. :D
____________________
(18)
[Nikka’s POV]
Time check: 5am
Yeah. 5am palang nagising na ko. Maaga naman kasi ako natulog kagabi eh. Buti na lang hindi na ko kinulit at ginising ni Ynnah kagabi. Sobrang pagod talaga ko at ang sakit ng katawan ko.
Tumayo na ko at naghanda ng almusal. I know, hindi ako marunong magluto pero kung prito lang naman ay pwede niyo na kong asahan diyan. Korean fried chicken ang niluto ko at nagsaing na rin ako. Rice cooker gamit ko siyempre dahil baka masunog pa. Nag-init na rin ako ng tubig at nilagay sa termos at naglagay na rin ako ng kape sa limang baso pero di ko muna nilagay yung mainit na tubig.
Pagkatapos ko mag-ayos ng almusal ay naligo na ko at nagbihis pang-alis. Oo, aalis ako. Pero bago ko umalis, kumain na muna ko siyempre dahil gutom na ko at pagkatapos nun ay nilipat ko na lahat ng pagkaing ginawa ko sa room ng CNBLUE. Yeah, ginawan ko sila ng breakfast. Ang sweet ko noh? Marami akong prinito at sinaing dahil maraming nakaschedule ang boys ngayon kaya kailangan nilang kumain ng marami. Sa breakfast na ginawa ko, iniwanan ko rin naman si Ynnah ng kanya dito sa room namin. Nag-iwan na rin ako ng note sa ref para kay Ynnah—
‘Huy! Anong oras ka na naman gumising?! Aalis na muna ko. Yung breakfast mo andiyan na pero lumamig na yan panigurado kaya iinit mo na lang. Ikaw na muna magpalaba ah. Love you, bes!’
Umalis na rin naman ako agad. Time check: 7am. Kahit papano naman, may pera ako pero hanggang pamasahe lang yon. Saan ako pupunta? Kukunin ko yung card ko. I know naipadala na ni Alice yun dahil alam niya na kapag wala akong sinabing oras sa kanya ibig sabihin nun 7am sharp ang gusto ko. Saan ko kukunin? Sa banko. Ipapaactivate ko pa yun ulit para magamit ko dito sa Seoul.
Nakakainis talaga! Kung hindi ko naiwan sa hotel yung pouch ko edi sana sasama kami sa boys ngayon sa lakad nila. >.<
[Ynnah’s POV]
Paikot-ikot ako sa room namin at hinahanap si Nikka pero nowhere to be found siya. Don’t tell me nilayasan ako nun?! Pero chineck ko yung cabinet niya, andun pa mga damit niya. Wait! Don’t tell me gumala yun ng hindi ako sinasama?! Pero wala siyang pera diba? Or baka naman nasa room siya ng CNBLUE? Kita mo yon, ang aga-aga pa nandun na? Pero may lakad ngayon sina My Loves ah.
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...