(21)
[Nikka’s POV]
Nakatulala lang ako sa buong photoshoot nila. Eh naman kasi! Yung ‘baby’ na sinabi niya paulit ulit sa utak ko! ARGH. >.< Kinikilig ako na nahihiya eh.
After ng photoshoot nila pumunta naman kami sa building ng Music Bank. May recording na naman kasi sila. Sa buong biyahe ay nakangiti lang si Yong Hwa Baby na para bang inaasar ako pero hindi naman niya ko kinakausap. Si Jung Shin ko at Min Hyuk ang madaldal pati na rin si Director Kim at Ynnah.
Hapon na rin ng matapos ang recording nila. Naalala ko na hindi pa pala kami nakain ng lunch, anong oras na oh. Tss.
“(Director Kim, how about our lunch?)”
“(Ay! Oo nga hindi pa tayo nakain kaya pala nakulo na ang tummy ko.)”
Tumayo na siya at sumenyas sa boys na aalis na. Almost 4pm na rin. Hindi man lang ba nagugutom ‘tong mga ‘to? Hindi nagrereklamo eh.
6pm na ng matapos kaming magdinner. Puro kwentuhan eh. Si Yong Hwa Baby nginingitian lang ako ng pang-asar. Maya maya lang din nagyayang uminom si Director Kim.
“(Oopps. Pass na muna ko.)” Sabay sandal ni Ynnah sa upuan. Di talaga kasi siya nainom.
“(Director, may schedule ba sila bukas? Baka kasi---)”
“(Boys, sa pagkakaalam ko wala naman kayong schedule for tomorrow right? But you’ll stay sa FNC tonight?)”
“(Mas gusto ko yatang sa apartment tumuloy ngayong gabi.)”
“(Hyung, hindi pwede. Sa FNC tayo pinapatuloy ni President Han ngayon.)”
“(I know. Bukas na lang tayo pumunta dun pero sa apartment tayo matulog ngayon.)”
“(Let’s drink na!)” Naglagay na si Director Kim sa baso at binigay sa’kin.
Iinumin ko na sana ng biglang hawakan ni Yong Hwa Baby yung kamay ko. He’s sitting in front of me at pinilit niya talagang abutin yung kamay ko. Kinuha niya yung baso at siya ang uminom.
“(Hey! Akin yun!)”
“(Pass ka rin muna ngayon. Uminom ka na kagabi diba?)” Napataas naman yung kilay ko at nagcross arms na lang.
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...