For other people, KPOP is simply a music that I cannot understand. But they do not know that for me, KPOP is a second life where I find happiness in the presence of my fandoms and biases, and enjoyment in their music.
______________________
(67)
[Nikka’s POV]
“Maraming salamat! Magandang gabi! Take care when you go home! Hope... Hope to see you again tomorrow! Thank you! I love Philippines!”
Sabay sabay na yumuko ang CNBLUE sa mga tao. Bawat sulok ng stage ay pinuntuhan nila upang mag-90 degrees bow. Another thing I like about them. Halatang halata ang tuwa at pasasalamat sa mukha ng CNBLUE ganun din sa mga taong nanonood. Patuloy pa rin ang hiyawan kahit nagpapaalam na ang boys. Pero bago sila umalis ay nagpapicture at selca na muna sila.
Lumapit na sila sa’min at nang hindi na kami kita ng mga tao ay inakbayan ako agad ni Yong Hwa Baby habang palakad na kami sa backstage. Pero tinanggal rin agad niya ang braso niya sa balikat ko ng sumulpot na lamang bigla sina Miss Happee.
“Congratulations CNBLUE for the first successful night of your concert here. Thank you for making the fans happy. They surely enjoyed.”
“Thank you! Thank you!” Nakangiting sagot naman ni Yong Hwa Baby at ibinalik naman yon ni Miss Happee then she looked at me.
“Thank you rin sa inyo. We’ll see you again tomorrow.” She smiled and bowed to us before leaving.
“(Grabe ang saya! Ang ganda rin ng drums stage ko!)” Biglang komento naman ni Min Hyuk at naupo sa couch.
“(Oo nga ang saya! Pero nagugutom na ko e.)” Tumabi si Jung Shin kay Min Hyuk habang hawak hawak ang tiyan niya. Nakakatawa ang itsura niya but he’s still so cute!
“(Good job, CNBLUE!)”
“(Galing niyo! Sa susunod gusto ko rin magconcert dito.)”
“(Uy, kami rin! Right, girls?)”
“(Gusto ko ulit pumunta bukas! Wag muna tayo bumalik sa Korea!)”
“(Ang hirap talaga kapag magkakasama kayo, ang ingay. Lumabas na nga muna tayo. CNBLUE, magpalit na kayo ng damit para makaalis na tayo dito.)”
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (PUBLISHED UNDER LIB)
FanfictionCNBLUE... Ang bandang nagbigay saya, inspirasyon at nag-udyok sa dalawang babae na magtagumpay. These two girls were determined on reaching the stars... * * * * * * * * * * * * * * * * * * "All our dreams can come true if we have the courage to purs...